Chapter 9

13.5K 681 69
                                    


Muli na naman siyang nagmaneho ng kotse habang wala akong ka-ide-ideya sa magiging destinasyon naming dalawa. "Saan ba kasi tayo pupunta?"

"Basta! Kanina hinayaan na kitang magdesisyon kung saan tayo kakain. Sumama ka na lang maraming chix do'n" Sabi niya sa'kin.

"Oh tara na tang ina! Bilisan mo na yung pagmamaneho!" Chix daw eh,Malakas na tawa naman ang kanyang naging tugon.

"Minsan hindi ko na ma-distunguish kung tomboy ka talaga o babae e. Ang gulo mo para kang buhok sa kili-kili" Natatawa niyang sabi sa'kin. Ano raw? Takte!

"Ikaw man mukha kang kili-kili gago! Mukha kang naputukan" Pagganti ko sa kanya ngunit imbes na mainis ang monggoloid ay mas lalo lang lumakas ang tawa nito.

Bigla naman nag-vibrate ang cellphone ko. Shit! Naiwan ko pala 'to kanina sa kotse, paniguradong napakaraming text na nito galing kay Trisha at sa mama ko.

Mama: Anong oras na? Bakit wala ka pa?

Mabilis ko naman itong ni-reply-an dahil minsan O.A. din 'tong mama ko, yung mga telenovela nga eh kinakikiligan niya pa eh.

Ma, baka ma-late ako ng uwi. Kasama ko si Zeke, may inaasikaso lang :D

Mabuti na rin naman yung nagsabi ako ng totoo sa kanya, isa kasi sa mga bagay na ayokong mangyari ay ang mag-alala sa'kin ang magulang ko.

Dati nga nung kasama ko sila Jeston gumala at hindi kami nagpaalam. Jusko! Pag-uwi ko may mga tanod na sa bahay namin at pinaghahanap ako, O.A. Talaga 'yan eh! Pero siyempre mahal ko 'yan... Wala akong choice eh! De joke mahal ko talaga 'yan.

Mama: O sige tiwala naman ako d'yan kay Zeke dahil mabait na bata 'yan

Sunod ko naman na binuksan ang text message galing kay Trisha, halos 30 messages din ito dahil hilig niya talagang ikwento sa akin ang mga nangyari sa kanya buong araw.

"Zeke tama pa ba 'tong ginagawa na'tin?" Pagtatanong ko sa kanya. Dahil alam ko kapag pinagpatuloy namin ito, maraming masasaktan. At ang mga taong iiyak ay ang dalawang babae na importante sa buhay namin.

"Ganyan din naman ang tanong ko. Tama pa ba 'to? Alam mo, ang talino kong tao pero kapag puso na talaga ang nagdidikta... Feeling ko, ako na ang pinakatangang tao sa buong mundo" Sabi ni Zeke at ipinarada ang kotse.

Inilibot ko ang aking paningin at nasa isang tabing dagat siya huminto. "Anong gagawin na'tin dito?"

"Baka magpapa-massage" Pambabara niya at inakma ko naman sa kanya ang aking kamao. "Wala lang, parang ang sarap lang dito magpalipas ng nalalabing oras. Gusto kong tapusin 'tong araw na 'to rito"

Batid naman naming dalawa ang aming pagkakamali. Hindi ko naman ginusto na magtaksil kay Trisha pero hindi ko rin naman pinagsisisihan na sumama ako ngayon kay Zeke. Tang ina! Ang sarap ngayon makipagsuntukan!

Handa pala ang loko dahil may nakalagay sa likod ng kotse ng isang kumot na puwede namin gawing pang-latag sa buhangin.

"Handa talaga noh? Suntukin kita eh"

"I'm a perfectionist. I want things to be perfect" Inilapit niya pa ang kanyang mukha sa akin at itinaas baba ang kanyang kilay. Dati naiirita ako kapag ginagawa niya 'yon pero ngayon... Isa na ito sa mga sanhi ng mabilis na pagtibok ng aking puso

Dare with Mr. President (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon