Chapter 2

21.3K 866 93
                                    


"Oh Mayu, kamusta ang pakikipag-usap kay President?" Tanong sa'kin ni Clarisse sa muli kong pagpasok.

"Bayaran na lang daw namin puta" Sabi ko at inayos ang pagkakasukbit ng bag ko sa aking balikat. Ayokong sabihin yung mga sinabi ng ugok na 'yon sa'kin. Bakla yata ang gagong 'yun, may girlfriend kaya ako! Suntukan na lang kami!

"Hindi mo man lang ginawan ng paraan P're? 'Di ka man lang niyang binigyan ng kondisyon?" Pagtatanong ni Jeston. "Katulad nung mga nababasa ko sa wattpad! Yung gagawing slave, o kaya naman magiging contract girlfriend. Wala man lang gano'n na naganap?"

"Mandiri ka nga! Wattpad? Kalalaki mong tao nagbabasa ka no'n, sabi ko na nga ba bakla ka eh" Sabi ko at tinunggo siya sa kanyang balikat. "Tsaka in the first place kasalanan mo kung ba't tayo magbabayad kaya wala kang karapatang magreklamo"

"Sorry na bestfriend, 'di mo na ba ko mapapatawad?" Nagpa-cute pa si Jeston.

"'Wag ka ngang magpa-cute, ang panget na nga ng mukha mo tapos nilulukot mo pa! Mukha ka lang hindi matae ng tatlong taon" Ibinaling ko muli ang atensyon ko kay Clarisse. "Clarisse magkano ba yung gitara na 'yon?"

"Ah around 20,000 pesos 'yon Mayu eh. Hindi naman kasi basta-basta gitara yung nasira niyo, brand new 'yon tsaka magandang klase ng gitara 'yon" Sabi ni Clarisse at napakagat ako ng ibabang labi ko. Saan naman kami pupulot ng 20,000?

"Mag-ambagan na lang tayo! Sagot ko na yung one hundred kayo na bahala sa kulang" Sabi ni Clark at tumawa pa siya. "Joke lang naman, ngumiti naman kayo" Sabi niya nung na-realize niya na walang nakakatawa sa joke niya.

"Clark pumunta ka nga sa banyo" Sabi ko sa kanya.

"Bakit naman?"

"I-flash mo yung sarili mo at hanapin mo kung sa'ng banda nakakatawa yung joke mo. Pakyu ka talaga" Bwisit, mabuti sana kung havey yung joke niya eh.

Pare-parehas namin hindi alam kung paano ang gagawin, hindi naman kasi kami puwedeng humingi ng malaking pera sa mga magulang namin dahil paniguradong hahanapin iyon sa mga teacher namin.

"Siguro dapat humingi na lang tayo ng palugid kay Zeke about dito" Sabi ni Marcus

"Hindi puwede Marcus, malapit na ang foundation week at paniguradong kakailanganin nila yung gitarang iyon para sa mga events. Tsaka ginagamit yun sa mga live bands ng school" Sabi ni Obet.

Napangiti naman ako dahil kahit na may kasalanan na nagawa ang ibang kaibigan ko. Hindi pa rin sila nang-iwan. Ang problema ng isa ay pinoproblema naming lahat.

"Marami pa namang araw para pag-usapan 'yan. Umuwi na lang muna tayo sa ngayon kasi hindi wala na daw talagang klase" Sabi ni Marcus.

"Ano nag-stay pa tayo sa school kung wala na rin namang palang klase!" Malakas kong sigaw, kung in-announce lang sana nila 'to ng mas maganda ade hindi dapat namin nasira yung gitara.

"Eh na-extend kasi yung meeting tsaka hayaan mo na, umuwi na lang tayo" Pag-aaya nila sa'kin.

Habang binabantas ko ang daan tungo sa amin ay hindi nawala sa isipan ko ang sinabi ni Zeke sa'kin. "Be my girlfriend daw, ulul! Hindi ko ipagpapalit si Tricia babe sa kanya" Pagkakausap ko sa aking sarili

Maaga akong umuwi sa'min at binuksan ang playstation ko upang maglaro. "Argh mamatay ka ng kalaban ka! Bwisit!" Malakas kong pagrereklamo, hindi naman kasi mawawala sa'kin ang ma-badtrip dahil sa mga nangyari ngayong araw at specially na rin kay Zeke dahil pinagulo niya ang utak ko.

Tumayo ako saglit at binuksan ang mini fridge ko. "Badtrip wala na pala 'tong laman na pagkain" Sabi ko at padabog na sinara ang pinto nito, dahil dito ay napilitan akong lumabas ng aking kwarto para kumuha ng makakain. Mas nanaisin ko pang magkulong muna maghapon sa loob ng kwarto ko.

Dare with Mr. President (Short Story)Where stories live. Discover now