Chapter 8

12.6K 642 46
                                    


"Oh ano sa'n mo ko dadalhin?" Tanong ko sa kanya habang nakasakay kami sa kanyang kotse. Halos labing limang minuto na siyang nagda-drive ngunit parang wala naman kaming destinasyon.

"Saan mo ba gusto?" Pagtatanong niya ngunit diretso lang ang tingin niya sa daan.

"Tignan mo! Ang lakas ng loob mong hatakin ako tapos hindi mo naman pala alam kung saan tayo pupunta, suntukan na lang oh!" Tinitigan ko siya ngunit nakatingin na pala siya sa'kin kaya naman nagtama an gaming mga mata na parang may kuryenteng dumaloy sa aking katawan.

"Kahit saan na lang, ang mahalaga naman magkasama tayo ngayong araw" Nakangiti niyang bigkas sa'kin.

Tinapik ko ng mahina ang kanyang pisngi at iniharap sa daan. "D'yan ka tumingin bwisit ka! Baka ma-aksidente tayo" Ngumiti siya sa'kin at ibinaling muli ang kanyang paningin sa daan.

"Ba't 'di na lang tayo kumain sa restaurant?"

"'Wag na! Pa-sosyal pa. May alam akong masarap na kainan malapit lang sa palengke, do'n na lang tayo" Sabi ko sa kanya.

"Palengke? 'Diba madumi ron?" Pagtatanong niya sa'kin.

"Alam mo kasi palibhasa anak mayaman ka, yung mga gamit mo galing sa mga malls. Try mo minsan do'n promise masarap... Ay basta! Mag-e-enjoy ka sa mga pagkain doon" Na-e-excite kong sabi. Aware naman ako na baka hindi pa nakakatikim ng mga street foods si Zeke.

"Seriously dadalhin mo ko sa ganoong lugar sa first date na'tin?"

"First date ka d'yan! Hangout ang tawag dito pare, 'wag kang hibang gago!" Wika ko at ginulo ko pa ang ayos ng kanyang buhok upang mas lalo itong mainis.

"Sows! Ang hirap ayusin ng buhok ko eh!" Hindi naman siya makaganti sa'kin dahil nga nagmamaneho siya. "May pa-hangout-hangout ka pang nalalaman eh date 'to... Friendly date! Bakit may iba ka bang date na nasa isip?"

"Oo date kung kelan kita papatayin, teka alam mo ba ang daan papunta sa palengke?" Pagtatanong ko sa kanya ngunit simpleng iling lang ang kanyang isinagot. "Sabi ko na nga ba eh! R.K. ka kasi. Sige ituloy-tuloy mo lang yung daan, ituturo ko na lang 'pag malapit na tayo"

Ang sarap lang sa pakiramdam na tuluyan ng natanggal ang ilang sa pagitan naming dalawa. Hindi ko naman itatanggi na na-miss ko rin siyang kasama at kakulitan... Pero siyempre, dapat h'wag din naman akong maging tanga. Dapat alam ko kung saan ako lulugar, mahal ko si Trisha... Siguro ay attracted lang ako kay Zeke. Mawawala rin ang mga ganitong feelings.

Ipinarada niya ang kanyang kotse sa gilid ng daan. "Uy Mayu, hindi ba mapagti-trip-an ng mga tambay dito yung kotse ko?"

"Alam mo suntukan na lang tayo! Ang O.A. mo may mga CCTV cameras naman malapit dito kaya naman 'wag ka na mag-alala"

Hinatak ko siya sa isang gilid kung saan may nagtitinda ng chicken pops. "Manon penge nga pong cup!"

"Ganyan lang ang kakainin na'tin? Healthy ba 'yan? Malinis ba 'yan?" Mahinang bulong sa'kin ni Zeke upang hindi marinig ng tindero.

"Gago! May malinis bang street foods? Bobo mo talaga suntukan na lang! Bago ka mag-react tikman mo kasi" Kumuha ako ng isang stick ng chicken pops at isinawsaw ito sa may sukang sawsawan. "Oh, tikman mo"

Nagdalawang isip pa siya kung tatanggapin niya o hindi. "Aalis ako rito 'pag di mo kinain 'yan" Sa huli ay kinuha niya rin.

Maarte niya pa itong kinagat no'ng una ngunit nagustuhan niya rin naman ang lasa nito. "Masarap 'diba?" Pagtatanong ko sa kanya ngunit simpleng ngiti lang ang kanyang isinagot. Bakit ba sa simpleng pag-ngiti niya ay bumibilis ang tibok ng aking dibdib at para bang may kung anong umiikot sa aking tiyan na hindi ko maipaliwanag. Ay letche Mayu! Natatae ka lang!

Dare with Mr. President (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon