Epilogue

19.4K 845 240
                                    


Siguro nga'y may mga kwento na hindi kilig ang dala, minsan may mga kwento na papakiligin ka lang, pero hindi happy ang ending. Pero siguro naman ang mahalaga may natutunan ka. Ang mahalaga mas naging matatag ka.

There's a Kind of love that there's no happy ending YET. Minsan kasi iniisip ng iba na destiny na nila ang taong darating sa kanilang buhay. Eh yung mga malalandi kaya? Pang-ilang destiny na kaya nila? Suntukan na lang tayo oh!

Hindi naman porke't hindi naging kami ni Zeke ay hindi ako naging Masaya. Oo may parte sa'kin na hindi pa rin makapag-move on pero mas malaki ang parte na naging satisfy ako sa paghihiwalay naming dalawa.

Bumalik kami sa dati na hindi nag-uusap at kilala ko lang siya bilang president ng music club at kilala niya lang ako na isang babae na may tropang mga gago.

Sa tuwing magkakasalubong kaming dalawa ay tanging mga ngiti na lang ang ipinupukol namin sa isa't-isa and no more further conversation.

Nasigurado naman ni Zeke na napalitan niya yung gitara so mayroon silang nagamit no'ng nakaraang foundation week.

Ang pag-ibig kasi hindi palaging dapat ipaglaban. Hindi porke't binitawan niyo ang isa't-isa ay mahina na kayo, sign ito ng kalakasan! Matapang kayo! Dahil nagawan niyong gumawa ng isang matapang na desisyon na para sa kapakanan ng iba.

Ayaw kong masaktan si Trisha at ganoon din naman si Zeke kay Lovely.

Sa pag-ibig kasi hindi puwedeng puso lang ang gagana o kaya naman utak lang ang gagana. Dapat parehas! Dapat habang nagmamahal ka, ginagamit mo rin ang utak mo. H'wag kang magtanga-tangahan sa pag-ibig kaya nga ginawa ang utak eh. Gamitin mo! Hindi yung pang-display mo lang suntukin kita eh!

Kasama ko ngayon si Trisha habang namimili kami. Madalas na kaming lumabas simula nung natapos kami ni Zeke. Sa kanya ko itinuon ang buong atensyon ko at hindi ako nagkamali dito. Tulad nga ng iniisip ko, attracted lang ako kay Zeke pero si Trisha pa rin ang mahal ko.

"Mayu tignan mo ang ganda nito oh!" Sabi ni Trisha habang ipinakita sa akin ang keychain na si Mickey mouse and Minnie mouse ang design—Couple keychain to be exact.

"Gusto mo ba? Bilhin na'tin?" Tanong ko sa kanya.

"Hala 'wag na, ubos na nga yung pera ko kasi may binayaran kami kanina badtrip nga eh! Gusto ko pa naman ilibre kita ngayon" Sabi ni Trisha at ibinalik ang mga keychain sa lalagyan nito. "Tara na, next time ko na lang 'yan bibilhin"

"Ba't next time pa? Parang last stock na nila 'to eh" Sabi ko at kinuha itong muli. "Ako na ang magbabayad"

"Hala! Ang dalas mo na nga akong ilibre tapos ikaw pa sasagot niyan. 'Wag na! Babalikan ko na lang bukas" Sabi ni Trisha ngunit inilalayo ko na lang sa kanya ito.

Sa huli ay wala rin naman siyang nagawa dahil binili ko rin ito. Inilagay namin ang keychain sa bag namin. "Hala ang cute!" Pagsasabi niya na parang batang natutuwa.

Isa ito sa mga dahilan kung ba't hindi ko magawang iwan si Trisha, masyado siyang inosente, masyado siyang mabait. Siya yung tipo ng tao na matatakot kang saktan.

Nagpatuloy kami sa paglalakad habang magkahawak ang aming kamay. Ganoon pa rin naman ang aking nararamdaman, andon pa rin ang kilig ko para kay Trisha.

Habang naglalakad kami ay bigla siyang sumigaw. "Lovely!" Sigaw niya kaya naman nakita namin si Lovely at siyempre kasama nito si Zeke.

Halos ilang buwan na rin ang lumipas simula ng matapos ang deal namin ni Zeke. Nagkantinginan kaming dalawa at nginitian ang isa't-isa pero this time, wala ng halong kilig. Wala na yung feelings.

Magkaharap kaming dalawa at nagkatitigan. "Trisha tignan mo yung mga magazine saloob oh! Tara tignan na'tin!" Hinatak ni Lovely si Trisha papasok sa isang bookstore.

"Wait lang d'yan muna kayong dalawa ah! May titignan lang kami" Sabi ni Trisha at sumama kay Lovely.

Naiwan kaming dalawa ni Zeke sa labas... Magkaharap at magkatitigan.

Siguro'y Masaya kami sa naging desisyon naming dalawa kaya napangiti kaming muli. Hindi naman sigurong masama kung ibalik namin ang aming pagkakaibigan 'diba?

~~~***END***~~~


Author's note:

Salamat sa pagsubaybay sa adventure ni Zeke at Mayumi. So dito na ito magtatapos, maikli lang siya dahil... short story nga eh, 'diba? Haha! So hindi lahat ng ending dapat happy :)

Dare with Mr. President (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon