Chapter 4

14.5K 695 106
                                    


Umupo kami sa isang restaurant at inilapag ko lahat ng aming pinamili sa lapag.

"Ano ang gusto mong kainin Zeke?" Pagtatanong sa kanya ni Lovely at ipinagsalikop niya pa ang kanilang mga kamay. Nangiti ako ng wala sa oras because I can't imagine they are indeed cute couple.

"Mayu, ako na magsasabi ng mga gusto mong kainin ah" Sabi ni Trisha na nasa aking tabi.

Yung holding hands na ginagawa nila Lovely at Zeke, that's the thing na gusto kong gawin 'pag kasama ko si Trisha. Gustong-gusto kong hawakan ang kanyang kamay, I want to be a proud tomboy that Love her very much. Kaso hindi naman lahat ng bagay ay puwede naming gawin sa harap ng publiko, I should know my limitation kun'di... Samu't-saring pangdidiskrimina ang matatanggap namin.

"Waiter!" Pagtawag ni Trisha at lumapit naman ang waiter sa amin. "Pa-order naman nung cheese cake, doughnut na rin..." Patuloy lang ang pagsasalita ni Trisha, lahat ng in-order niya ay aking mga paboritong pagkain.

It's really damn good in feelings 'pag alam mong ang partner mo ay alam ang mga bagay na gusto mo, tang ina nakakakilig!

Bigla na lang akong sinipa ni Zeke sa ilalim ng lamesa. Magkatapat kasi kami ng puwesto, he just raise his eyebrows to tease me. Bwisit talaga.

"Pakyu" Mahina kong bulong pero sapat na para mabasa niya sa aking labi.

Dumating ang mga in-order namin at ang madalas lang magkwentuhan ay sina Lovely at Trisha dahil na rin same school sila and natural na rin sa mga babae ang pagiging sobrang daldal right?

"Alam mo ba si Mae, she had a conflict with her boyfriend again!"

"Ano pa bang bago? Pero 'wag na'tin siyang pagtsismisan kaibigan na'tin siya" Sabi ni Trisha. I feel so proud that I have a girl who have a big heart. Having a girl like her... Heaven.

We just continue to eat our food at parang nakatingin si Zeke sa kinakain ko. "Gusto mo ba?" Pagtatanong ko sa kanya pero hindi na lang siya sumagot, medyo busog na rin naman ako kaya naman napili ko na lang na ibigay ito sa kanya ke'sa naman sayangin ko lang. "Oh sa'yo na lang, libre mo na lang ako next time sa school 'pag nagkita tayo"

"Ah Mayu, totoo bang marunong tumugtog ng piano ang kaibigan mong si Clark... Clark ba pangalan no'n?" Tanong niya. We both don't mind talking to each other kasi busy din naman sa pag-uusap ang dalawa. Mas mabuti na 'to ke'sa mapanis ang laway naming dalawa.

"Yeah musician kaya ang tatay ng kumpareng kong 'yon!" Pagmamalaki ko sa kaibigan ko, siguro kung nandito si Clark ay abot tenga na ang ngiti ng monggoloid na 'yon. Gustong-gusto niya kayang napupuri.

"I wanted to talk to him, meron kasing isang freshmen student ang gusto kong turuan niya, that freshmen have some talent pero gusto kong isang professional ang humasa sa kanya" Pagkekuwento niya at umi-slice ng cheese cake.

Natawa ako ng bahagya sa mga sinabi niya. "Haha! President na president ang dating mo ah! Alagang-alaga sa'yo yung mga lower year sa'yo" Sabi ko sa kanya.

"Hala Lovely! Pinapabalik tayo sa school ngayon, may practice daw yung theatre club!" Sabi ni Trisha habang nakatingin sa kanyang phone. Mukhang binasa niya ang text message galing sa kagrupo niya.

"Ayan! Babalik pa ba tayo?"

"Oo next week na kaya yung play. Tara na" Isinukbit na ni Trisha ang kanyang bag. "Uy pasensya na Mayu, urgent kasi eh"

"Okay lang, mas mabuti ngang top prioritize mo pa rin ang studies mo" Nakangiti kong sabi sa kanya. Pero ang totoo ay nakakalungkot, minsan na nga lang kami nagkakasama tapos sobrang tipid pa ng panahon.

Dare with Mr. President (Short Story)Where stories live. Discover now