Chapter 9

171K 5.4K 743
                                    

Chapter 9

Baby

His eyes were stunned just by looking at me.

Kakaiba ang ekspresyon na nakikita ko sa kanyang mga mata. It's like I'm going to see a different world if I look closer.

Agad akong nakaramdam ng takot sa aking dibdib.

Unti-unti itong lumapit sa akin. Namugto ang kanyang mga mata at gayun din naman ang akin.

"Wife." he murmured.

And with that one word, all my fears faded away.

Pinilit kong makatayo ngunit medyo nahirapan ako. Segundo lamang at naramdaman ko na rin si Apxfel...

His skin felt so soft against mine. Tila ba hinahanap ko iyon ng matagal.

Lubha akong natakot sa mga maaring nangyari sa kanya. I'm gone out of mind... Na baka naging masama ang lagay niya, na baka bigla niya akong hindi na maalala dahil sa lakas ng tama nung mga kahoy sa kanya...

Binalik ko rin ang mahigpit na yakap na inilahad niya sa akin.

"Thank God you're okay." I said in between our hugs.

Wala akong narinig na salita galing sa kanya. Mas humigpit lang ang yakap niya.

Nakita ko rin na dahan dahang lumabas sila Mommy sa kwarto. Siguro ay gusto nila na bigyan kami ng privacy ni Apxfel.

"I was so scared." sabi ko rito.

"Ako rin." aniya sabay ng paghagod niya sa aking buhok.

Bumitaw ako sa aming yakap.

"Masaya ako na okay ka. We could go home now... ikaw, ako at si baby tal-" napahinto na lamang ako sa sinasabi nang makapa ko ang aking tiyan.

It's... flat.

A sudden horror pierced me.

"Apxfel nasaan... nasaan ang baby natin? Ba... bakit ganito?" tanong ko.

Hindi magkanda umayaw ang mga kamay ko kakakapa sa patag kong tiyan. Nasaan ang umbok? Nasaan ang anak ko?

Hindi pa kumbinsido ang loob ko at inalis ko ang kumot na naka patong sa akin. Itinaas ko pa ang aking damit upang makita mismo ng mga mata ko ang aking tiyan.

Nanlaki na lamang ang aking mga mata.

It's... really flat.

There are no signs of Talia here.

Ibinaling ko ang mga nanunubig kong mata kay Apxfel.

He's not talking... Nakatayo lang siya roon with his eyes full of sadness and pain.

What happened?

Hindi ako makapagsalita. Hindi ako makapagtanong... He's stopping me just by looking at him. Bakit siya ganyan? Bakit parang hindi ko gusto ang maririnig kong sagot sa kanya?

I started crying... kahit na hindi ko pa alam ang nangyayari.

I just felt it deep inside me... that it's something bad. It's something painful. It is something that can kill the both of us with such pain.

Forever with the Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon