Chapter 36

144K 3.8K 1.3K
                                    

Chapter 36

White Car

Kanina pa ako paikot-ikot sa aking kama. Hawak ko ang aking cellphone at gulong gulo pa rin ngayon sa ginagawang desisyon.

Should I text him or not?

Argh! This is seriously stressing me out! Bakit ba kasi biglang may meeting siya? Ni hindi manlang niya tinapos ang amin! Ngayon tuloy ay ako ang namomoblema.

Bumangon ako sa aking kama.

"Frans Abigail, itext mo na!" utos ko sa aking sarili. Halos sabunutan ko ang sariling buhok dahil sa magulong pag-iisip.

Gusto ko siya itext para maplano ang muli naming pag-uusap. Sa kabilang dako naman, ayaw ko... dahil ayaw ko! Damn!

"Fine! Ito na itetext na."

Para akong baliw na patuloy pang kinausap ang sarili habang nagtitipa na ng mensahe para sa kanya.

Hey. Let's set a meeting again.

Text ko rito. Ni hindi na ako nagpakilala marahil pati roon ay naguguluhan ako.

Paano ako magpapakilala?

Si Abi ito.
Si Frans ito.
Ex mo ito.
Dati mong asawa ito.

Ang gulo!

Hindi pa lumilipas ang minuto ay tumunog na ang cellphone ko.

Sure :))

Aba! 'Sure' daw? Ni hindi niya nga kilala kung sino ako, e! At may kakaiba pa siyang emoticon ha? Hindi ba uso ang emoji sa kanya? Naka iPhone naman siya ah?

Hindi ko na napigilan at nag reply agad ako sa weird niyang text.

Do you even know who am I?

Humiga ako sa kama at yinakap ang aking unan. Imbis na matulog na dahil gabi na rin ay ito ako... Abang na abang sa kanyang reply.

Of course, Abigail ;)

Oh damn. Kilala niya nga ako! At ano nanaman ang emoticon na ginamit niya?

Let's meet tomorrow at Pancake House, Centris Walk.

Text ko ulit sa kanya. Matutulog na sana ako pero nagdesisyon akong magtext ulit dito.

10:00am. Don't be late!

Tipa ko at saka natulog.

The next morning, my usual routine is to get up and brush my teeth. Iyon agad. Ngunit ngayon ay ito ako, hinahanap ang aking cellphone.

Nang makita ang phone sa ilalim ng unan ay agad ko iyong binuksan. When I saw that there's a message from him, I felt a sudden limp inside me. What the hell was that?

Binasa ko ang kanyang text kagabi.

Alright, see you tomorrow. And hey, I was never late. You're just early :P Good night.

"Oh bakit ka nakangiti riyan?"

Halos napatalon ako sa gulat nang sumungaw ang mukha ni Dominic sa pintuan.

"Ha? Umm, wala. Nakakatawa itong video sa facebook. Si Bunak!" sabi ko at tumawa tawa upang makumbinsi si Dominic.

Ginaya ko pa nga si Bilog, e.

Tsk tsk. Bakit ba kasi ako nakangiti?!

Naligo na rin ako at nag-ayos. We are meeting each other again today. Ang akala kong matagal pa naming pagkikita ay narito na muli.

Forever with the Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon