Special Chapter I

167K 4.4K 1.7K
                                    

Frans Abigail's POV

"Ang taba ko." I said to myself while looking at the mirror. Pakiramdam ko ay isa na akong malaking drum!

"Nah. You're damn hot, wife." ani Apxfel habang mariing nakatingin sa akin.

"Tse!" singhal ko. "Hugis bola na nga ako, binobola mo pa ko! Gosh! Gusto ko ng kare-kare!"

Hindi ko alam kung bakit tawa ng tawa si Apxfel ngayon.

"I know you're hungry that's why you're irritated. Wait, I'll order." aniya sabay ang pagkuha sa kanyang cellphone.

Muli akong napatingin sa salamin. Ang taba ko talaga. Pakiramdam ko kasi ay iba rin ang paglilihi ko ngayon. Mas matakaw ako at mas maraming hinahanap hanap.

I can't thank Apxfel enough for his patience. Lagi siyang nariyan at binibigay ang mga gusto ko. Kahit ayaw ko siyang pahirapan, wala akong choice dahil ang weird lang talaga ng tiyan ko kung minsan!

Pagkatapos namin kumain ay naghanda na kami ni Apxfel. Ngayon kasi ang schedule ko para sa ultrasound.

"Are you ready?" tanong niya.

"Yes. Excited na talaga ako." sagot ko at saka hinawakan ang aking tiyan.

I am five months pregnant. Ngayon ay magpapa ultrasound ako para malaman ang gender ng aming baby.

Hindi na ako lubos makapaghintay. Ni hindi nga kami makatulog ni Apxfel kagabi dahil sa excitement!

Sumakay na kami sa sasakyan. Inalalayan niya ako hanggang sa makaupo roon sa loob.

Habang nasa byahe ay tila nakaramdam ako ng gutom. Agad kong kinalabit si Apxfel.

"Hubby, I'm hungry." I said.

He smiled, "Ano ang gusto mong kainin? We can buy something in a drive thru."

"Gusto ko ng rainbow na saging." seryosong sabi ko.

-

Christan Apxfel's POV

Oh shit. Not that thing again!

Sumimangot si Abigail nang natulala na lamang ako. Damn!

Sa lahat ng nanaisin, bakit saging? At bakit rainbow?!

Naalala ko noon nung sinabi niyang gusto niya ng rainbow na saging. Wala akong nagawa kung hindi tumakbo sa pinaka malapit na grocery store. Bumili ako ng saging at sandamakmak na food coloring. Ah basta! Naging instant artist ako noong araw na iyon.

Saan niya ba kasi lupalop nakuha ang ideyang iyon? Saging tapos rainbow? May cartoons bang ganoon?

"Wife, umm. I'll get you that one later. Can it be something else?" I asked.

Halos magmakaawa ako sa langit para lang may gustuhing iba si Abigail.

"Banana cake na lang." aniya. At ayon, nakahinga ako ng maluwag!

Tumungo kami sa malapit na bakery shop at saka nagpunta sa ospital.

All I feel right now is happiness. Masayang masaya ako na magkakaroon ulit kami ng baby ni Abigail. Our Talia is going to have a sister or a brother soon.

Pagpasok sa loob ay pinahiga ni Doktora si Abigail sa kama. And then she put a gel on her tummy. Later on, the doctor grabbed a small wand, I don't exactly know what it is called but she said it's a transducer. She placed it onto her belly.

Ilang saglit lang ay mag imahe na kaming nakita sa screen. It's a tiny frame of a baby. I can feel my heart beats extremely fast.

"Congratulations, Mr. and Mrs. Gonzalez. It's a baby boy!" masayang bati ni Doc.

Hindi magkandaumayaw ang kasayahan sa akin. Hindi ko tuloy alam ang gagawin. Kung sisigaw ba ako, tatalon o yayakapin ng mahigpit si Abigail. Natulala na lamang ako!

It's a baby boy!

Nang mag sink in na lahat sa akin ay dahan dahan kong yinakap si Abigail. I saw her tears falling nonstop after that.

"I'm really really happy. Talia is finally having a brother." she whispered.

Hinagod ko ang kanyang likuran.

Don't worry, wife. I promise you, this time, I will do everything to protect you. I will do anything for you and my son. No one can harm the both of you.

I ain't no prince charming. I ain't no superhero. But I am me, whose willing to do everything for you.

Bago umuwi ay napagdesisyunan namin ni Abigail na mamili na ng mga gamit ng baby.

Ang dami naming nabili. Kailangan pa naming magpasundo kela Anton at Robert dahil hindi kasya ang mga ito sa kotse. Sabi ko ay dalhin na lang iyong SUV.

Pagdating sa bahay ay agad kong pinagpahinga si Abigail. She must be tired.

Ilang saglit lang ay humiga na rin ako sa tabi niya. Laking pasasalamat ko dahil hindi niya na naalala iyong rainbow na saging.

Pipikit na sana ako nang biglang may nangalabit sa'kin. Agad akong bumaling kay Abi.

"Wife?" I asked.

I saw her looking at me intently. Her eyes are a bit longing, as if she wanted something so bad but cannot have it.

Halos mapalunok ako dahil doon. What do you want this time, my Abigail? I surrender. If you want a rainbow banana, heck, I'll give it to you. Don't worry.

"What is it, wife?"

She isn't talking. Tahimik lang siyang nakatingin sa akin. Ano ba kasi iyon? Nag-aalala na ako.

"Tell it to me, please." I pleaded.

Ibinaon niya ang kanyang mukha sa aking leeg. Dahan dahan ko namang siyang niyakap.

What is she craving for? Madalas ay agad niya naman iyong sinasabi. Pero ngayon ay tila walang lumalabas sa kanyang bibig. Siguro ay iniisip niya pa kung ano ang kanyang gusto.

"Hubby," she whispered.

"Yes?" I asked.

"I am craving for something." anito. Her voice is so soft. "I am craving for you."

Halos nabulabog ang buong sistema ko roon.

To be continued...

-

Authors's Note:

Please join our Facebook group: Team Justcallmecai.

Forever with the Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon