Chapter 28

153K 4K 925
                                    

Chapter 28

Done deal

I hurriedly went to the bathroom for a quick shower. Tumawag kasi sa akin iyong secretary ko at sinabi niya na on the way daw si Mr. Mendoza sa isang restaurant dito sa SanFo.

Hindi ko alam kung ano ang gagawin niya roon, malamang ay mag aagahan... Pero may kausap kaya siya? O kaya naman ay may ka date?

Hindi bali na. Basta pagkatapos ng kung ano man ang gagawin niya roon ay saka ko siya kakausapin. Ang importante ay makarating na agad ako sa kung saan mang resto iyon para maabangan na namin siya.

It's been four days since we've start playing hide and seek! For the past days, pumupunta ako sa opisina niya rito, pero pagdating ko roon ay wala akong naaabutan. Minsan naman ay wala raw dahil may meeting sa ibang lugar.

I can't help to be frustrated, but what should I do?! I really need to talk to him!

Si Apxfel nga ay gusto ng umuwi ako. But we both know that I can't... Hindi pa ngayon.

I wore my flat shoes at agad nang lumabas ng kwarto. Paglabas ay naroon na si Anton at Robert.

"Saan tayo, Ma'am?" tanong ni Anton.

Sinulyapan ko iyong phone ko kung saan isinend sa akin ng sekretarya ang pangalan ng restaurant at pati na rin iyong address.

"Gary Danko, 800 North Point St." sabi ko.

Habang nasa sasakyan ay maigi kong pinag-iisipan ang mga salitang dapat kong sasabihin mamaya.

I started calling Apxfel, too. Sigurado ako na kapag narinig ko ang boses niya ay lalakas na ang aking loob.

Ilang beses nang tumunog ngunit hindi niya pa rin ito sinasagot. I tried calling again but still, I got no answer...

I sighed.

Siguro ay tulog na iyon. Gabi na rin kasi sa Pilipinas ngayon..

Pagpasok namin sa Gary Danko, I instantly eyed the place.

"Ayun po siya, Ma'am." ani Robert sabay nguso doon sa lalaking medyo may edad na.

There, I saw him. Finally... Mr. Danrick Medoza with his black suit on. His dining with a man that is wearing a suit too. Business partner, I bet...

Mabuti na lang at pinaupo kami sa medyo malapit na lamesa kung nasaan si Mr. Mendoza. Pasulyap sulyap ako sa kanya at sa kausap niya. Mukhang matatagalan iyon kaya naman napagdesisyunan kong umorder na lang din muna dahil nagugutom na rin ako.

I ordered for myself and for my two body guards on the other table.

I can't believe how my food taste so good. Ang sarap!

I love how the scallops was cooked to perfection! The wine selection compliments the entire menu. Closing it off with a fantastic choice of cheeses. The ambiance and the decors blend in so well. If I wasn't here for Mr. Mendoza, I would've enjoy it more...

Nang makita kong tumayo na silang dalawa ng kausap niya ay agad na rin akong tumayo, Ganoon din si Anton at Robert na nasa kabilang mesa.

"Mr. Mendoza!" I shamelessly called him before he can even stepped outside

Kumunot ang noo niyang habang tinitignan ako. Tila ba kilala niya ako ngunit hindi niya lang maalala. Ilang minuto pa at bumuka na rin ang kanyang bibig.

"Are you happen to be Mrs. Gonzalez?" he asked in full curiosity.

I nodded.

Salamat naman at kilala niya ako!

Forever with the Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon