Chapter 44

160K 4.1K 1.1K
                                    

Chapter 44

The Untold

Nahihilo kong idinilat ang aking mga mata. Dilim ang sumalubong sa akin.

Naramdaman ko na lamang ang mahigpit na pagkakatali sa aking kamay at paa. May busal rin sa aking bibig. Dumaing ako sa sakit na dulot ng mga iyon.

Nasaan ako?

Agad kong naalala ang pangyayari. Nasa harap ako ng bahay ni Bianca Cepeda tapos ay bigla na lang may pumalo sa aking ulo.

Kanina lang ba iyon nangyari?

I tried my best to shout but I couldn't. I struggled so much just to move my arms, but nothing happened.

I'm stucked!

Iginala ko ang mga mata ko. Pakiwari ko ay nasa isa akong kwarto. Hindi ko lang masyado maaninag ang kabuuan dahil sa dilim.

Nanlaki ang mga mata ko nang makakita ng isa pang tao rito sa kwarto. Nakatali rin siya.

Tinitigan ko ito ng mabuti.

Zo... Zoey?!

Sinubukan kong tawagin siya ngunit masyadong mahigpit ang busal sa bibig ko kaya tanging mahinang ungol lang ang nagawa ko.

Si Zoey ay nakasandal sa pader. She's sleeping!

Mayamaya ay biglang may lalaking pumasok. Kalbo ito at malaki ang pangangatawan. May dala siyang dalawang tray ng pagkain. Ipinadulas niya iyong tray sa amin at saka lumapit ito para tanggalan kami ng busal.

"Manahimik ka kung ayaw mong masaktan." anito.

Nang matanggal ang busal ay hindi ako nagsalita. Takot ako sa kayang gawin ng lalaking ito. Niluwagan niya rin ng kaunti ang tali sa aking kamay. Sunod ay si Zoey naman ang nilapitan niya, dahilan ng pagkagising ni Zoey.

Pagkatapos noon ay lumabas na rin iyong lalaki.

Nanlaki ang mga mata ni Zoey nang makita ako.

"Fra... Frans?!" gulat niya. "Bakit ka nandito? How did you get here? Are you kidnapped?"

Umiling ako.

"I went here. And then the next thing I knew, nandito na ako sa kwartong ito." I told her.

"Bakit ka nagpunta rito? It's dangerous!" she almost shouted.

"Sino si Bianca Cepeda?" I asked.

Ang dami kong katanungan. They have the same surname. Are they relatives? Pero kung ganoon bakit siya nakakulong at nakagapos din dito kasama ko?

"Nalaman ko na si Bianca ang may-ari ng hotel na kung saan kami na aksidente. I wanted to talk to her personally but I end up here." sabi ko.

Nakaawang lang ang kanyang labi. Tila pinoproseso ang lahat ng mga sinasabi ko.

"Sino siya? Kaano ano mo siya? Bakit ka narito at nakakulong?" sunod sunod kong tanong.

I saw a single tear fell down on her cheek.

"Bianca... she's.... she's my sister." utal na sabi no Zoey.

Halos malaglag ang panga ko sa gulat.

"Anak siya sa labas ng Daddy. I was in highschool when I've learned I have sister from another mother." aniya.

Forever with the Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon