Chapter 18

146K 4.2K 881
                                    

Chapter 18

Drunk

Pagkatapos naming mag usap ni Dominic tungkol sa mga panibagong updates ay umuwi na rin ako.

Madilim na sa loob ng bahay.

Wala pa siguro si Apxfel. Wala kasi ang kotse niya sa parking lot...

Huminga ako ng malalim.

I think I need a shower. Kailangan kong ma refresh dahil ang dami dami kong iniisip... At least sa pagligo, mare-relax ako.

Papasok na ako sa bathroom ng may narinig akong pumasok. Hindi na muna ako tumuloy at tinignan kung sino iyon. Sa iilang hakbang ay nakita ko si Apxfel at si... Bobbie.

They are both laughing... And they seem drunk.

Nang makita ako ni Bobbie ay nagpaalam na ito kay Apxfel. She waved at him samantalang tingin lang ang nagawa niya sa akin.

"Bukas na lang ulit!" sabi pa ni Bobbie bago tuluyang lumabas.

Naglakad ako para lumapit kay Apxfel. Sa aking paglakad ay lumakad din siya. Napahinto na lamang ako nang nilagpasan niya ako.

Halos malukot ang puso ko.

Ni hindi ko siya nalingon. Ni hindi ako makagalaw sa aking pwesto! I was about to approach him... ngunit nilagpasan niya lamang ako. Akala ko... akala ko ay lalapitan niya rin ako.

I guess I am wrong. Damn wrong!

Naramdaman ko ang mumunting luha sa aking pisngi. Halong lungkot at galit ang nararamdaman ko.

I was drop dead angry because he looks so happy with her! Ang saya saya niya kanina na tila ba wala kaming problema!

Agad ko pinunasan ang luha nang mapagtanto ko ang isang bagay...

Maybe he's mad. He's mad at me because I am so distant to him... Kasalanan ko.

I took a deep breath. Nag ipon ako ng lakas ng loob para pumasok sa kwarto.

Pagpasok ay nakita ko si Apxfel na nagpapalit ng kanyang t-shirt.

"You drink... with her?" mapait kong tanong.

Tango lamang ang isinagot niya.

He didn't even look at me...

Siya naman ngayon ang tila ba dumidistansya sa akin.

Nahiga na lamang ako sa kama. Ang kaninang kagustuhan ko na maligo ay nawala na. Ayaw ko na. Parang gusto ko na lamang humiga at matulog... Para mawala sa isip ko ang lahat ng bangungot na ito.

Pinalis ko ang luha na patuloy pa rin ang pagtulo.

Dapat ay maintindihan ko si Apxfel hindi ba... Dapat ay hindi ako maging unfair.

Ganito ang ginagawa ko sa kanya. Pero ngayon na siya naman ang gumagawa nito, ang sakit pala.

-

Kinaumagahan, inagahan ko ang alis. Ayaw ko kasing makita si Bobbie. Ayaw kong mapuno sa kanya.

I decided to visit my bestfriend and my daughter today. Magkatabi kasi ang chapel nila. Hindi pa lang gawa ang kay Baby Talia kaya naman lupa pa lamang ang kanya. It gives me joy. Kahit na sa ganito lang ay magkalapit ang dalawa sa mga importanteng tao sa buhay ko.

Bumili ako ng bulaklak para sa dalawa.

"Hi, baby. Na miss mo ba ako?"

Kahit para akong baliw na kinakausap ang hangin ay ayos lang. I wanted to talk to my daughter so bad...

"I'm sorry kung hindi ako nakakadalaw lagi. Inaasikaso ko kasi ang kaso."

Patuloy pa akong nagsalita at nagkwento. Matapos ay kay Calix naman ako pumunta.

"Hello, Cal." pag bati ko.

I... I miss my bestfriend so bad.

"Miss na kita... Alam mo ba 'yun?"

I tried so hard to stop crying. Kanina pa ako umiiyak, kay Talia pa lang.

"Bantayan mo si Talia dyan, ha? Wag kayong pasawat dyan." sabi ko na parang baliw.

"Cal, sana nandito ka. Ang hirap hirap kasi ng sitawasyon ngayon. Hindi ko na alam ang gagawin ko."

Ilang oras pa akong nagtagal doon sa cemetery.

Habang nasa taxi na ako pauwi ay napahilig na lang ang ulo ko sa bintana.

I lost Calix... And now, I lost Talia. For the good? I don't know. For the bad? I don't know too.

Paguwi ay bumungad sa akin ang Dodge Challenger. Apxfel is home already...

Pagpasok ay nakita ko si Bobbie na pababa ng staircase.

"Can we talk?" sarcastic niyang tanong.

Tuluyan na siyang nakababa ng hagdanan at saka hinarap ako.

"You're already talking." sagot ko rito.

Nagpakawala siya ng mapait na tawa. Tumaas lamang ang kilay ko roon.

Hindi ko naman maiwasang hindi mapansin ang suot niya. She's wearing a body hugging dress at sobrang iksi noon.

"I don't really want to talk to you. But I am so worried about Chris. Having you as his wife is no good!" aniya.

Nag-iinit ang damdamin ko sa galit. Sino siya para sabihin ito sa akin?!

I tried to get a hold on myself. Hindi ko pwedeng ipakitang naaapektuhan ako sa kanya.

"He's head is hurting again because of those damn stitches! Alam mo ba iyon? Wait... have you even asked him if he's okay? Kung kamusta ba siya, kung ano ang pakiramdam niya? I bet not! Ang selfish mo kasi!" bulyaw niya.

Nayanig ako sa aking narinig mula rito.

"Wala kang alam sa mga nararamdaman ko. You don't even have an idea what I am doing these past few days! Kaya please lang, shut it!" sagot ko.

Halos isigaw ko iyon pero nanatili akong kalmado. Ayaw ko ng away, pero kung ipagpapatuloy niya ito ay wala akong magagawa.

Muli siyang tumawa. Her laugh is like belittling me...

"I don't care about what you feel. Pero, sana hiwalayan mo na lang siya. Hiwalayan mo na lang si Christan! He doesn't deserve a woman like you! Kawawa lang siya!"

Muntik ko na siyang masampal dahil sa mga salitang lumalabas sa bibig niya. Buti na lang at nakaya ko pang kontrolin ang sarili ko.

I am better than this.

"Believe what ever you wanted to believe. I don't need any validation from you about me being the woman he deserves. Not ever." I said.

Forever with the Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon