Chapter 19

180K 4.8K 673
                                    

Chapter 19

No Lies

Kitang kita ko ang galit ni Bobbie sa kanyang ekspresyon.

Akala ko ay may sasabihin pa siya... I was surprise nang tinaasan niya na lamang ako ng kilay at saka umalis.

I closed my fist.

What the hell happened to her? She wasn't like this before...

Pumikit ako at huminga ng malalim.

Hindi ko alam kung bakit may takot akong nararamdaman. Takot akong pumasok sa kwarto namin ni Apxfel. I know he's there. He is probably mad... And I am guilty.

Pinihit ko ang pintuhan. Nanginginig ang aking kamay ng gawin iyon.

Nakita ko siyang nakaupo sa gilid ng kama. Nakayuko siya at iyong isa niyang kamay ay nakahawak sa kanyang sintido.

Dahan dahan akong pumasok sa loob.

I garnered all the strength I could have to ask him a question... Kahit isa lang. Isang tanong lang at ayos na ako. Isang tanong lang at kahit papano'y maiibsan ang kung ano mang sama sa damdamin ko.

"Have... have you drink your medicines?" tanong ko.

I even stuttered a little.

"Yes." malamig na sagot niya.

Matapos noon ay hindi na ako makapagsalita pa. Sa totoo lang, ang hirap nang makipag-usap sa kanya. Para bang hindi ko na alam kung paano siya kakausapin...

Para kaming dalawang tao na bagong magkakilala pa lamang.

I cringed with the thought... Para bang binuhusan ng nagyeyelong tubig ang puso ko.

A tear escaped my eyes. Pinunasan ko iyon gamit ang kamay ko at lumabas na lang ng kwarto.

I... I can't sleep beside him right now because of what I am feeling inside.

Bumungad sa akin ang kwarto ni Talia. Sa tapat kasi ng aming kwarto ang kanya. I held the door knob... and then minutes after, I let go.

Hindi ko pa kaya.

Hindi ko pa pala kaya na pumasok doon. Hindi pa kaya ng loob ko. Memories will come rushing... And I will drown.

I just don't know how to explain it...  But losing a child is like losing your life too.

Pinili ko na lamang na manatili sa guess room. Doon na lang ako matutulog ngayon.

Humiga ako at ipinikit ang mga mata.

What happened to me? To him? To us?

I couldn't fathom the idea that we are slowly drifting away from each other...

Napahinto ako ng may narinig akong pumasok dito sa guess room. Wala naman ng ibang tao rito kung hindi kaming dalawa ni Apxfel. Is it him?

Nanatili ako sa aking pwesto at hindi gumalaw.

Naramdaman kong umupo ito sa kama. Nakatagilid ako kaya hindi ko siya nakikita.

"Wife..."

Bigla kong nahigit ang hininga ko.

"What is happening to us?" tanong niya.

Bumilis ang tibok ng puso ko.

I am asking that question too, hubby.

"It seems like I doesn't know anything about you anymore... I tried so hard to understand. Pero kasi... nauupos na ako. Nauupos na ang pasensya ko."

Ang mga luha ko ay patuloy ng umagos ng walang humpay.

"How long will you shut me out?" he asked.

Hindi ako makasagot. Ni hindi ako makapagsalita...

"Tanungin mo naman kung kamusta ako..." his voice broke.

I've hurt him so much. I can feel it through his voice. And I'm really sorry for it.

Mas ipinikit ko pa ang mga mata sa pag aakalang mapipigil nito ang aking luha pero hindi.

I am so guilty... So much that I can't face him.

"Kausapin mo naman ako. 'Yung totoong usap... No secrets. No lies." aniya.

I felt a pang in my chest. Masyado akong natamaan doon.

Gayunpaman, nanatili pa rin ako sa aking posisyon. Nakatagilid ako at nakaharap sa pader. Siya naman ay nasa kabilang gilid ko.

Hindi ko siya nakikita pero bakas sa boses niya ang sakit.

"Why did you lie to me?" tanong niya.

Halos madurog ang buong sistema ko. A...Alam niya?

"Alam kong nagkikita kayo ni Dominic. I know since that first day you meet him at The Fireplace..." saad nito.

Nanlaki ang mga mata ko.

He knows!

"Kaya nung sinabi mo nung sumunod na araw na aalis ka, hindi na ako nagtanong kung saan ka pupunta. Because I am so afraid that you might lie again... I don't want that."

Humalukipkip ako habang naaalala ang  araw na iyon.

"Sobrang dami kong tanong sa isip ko. Kung bakit ka nagsinungaling, kung bakit siya kinakausap mo at samantalang ako hindi..." he paused and released a deep breath.

"Do you trust him more than you trust me? Are you comfortable with him than me?"

Sa tanong niya ay agad akong napabangon. Isipin niya na ang lahat, huwag lang iyan.

Our eyes met.

Mas nadurog pa ang aking puso ng makita ang kanyang mga luha.

Agad akong umiling.

"I don't trust him more than I trust you. I am not comfortable with him more than you." panimula ko.

Wala na akong pakialam. I need to tell him right now. I need to tell him everything... bago pa mahuli ang lahat.

"Yes, I lied. And I am sorry. Natakot lang ako na baka pagbawalan mo ako kapag sinabi ko sayo. Apxfel, I wanted to coordinate with the investigation. I really wanted to. That's the reason why I am talking to Dominic. That's the reason why I kept on meeting him. Iyon lang." I told him.

Nakita ko ang pagbabago ng kanyang ekspresyon.

Hinawakan niya ang mukha ko at pinunasan ang mga luha kong patuloy sa pag agos.

"You should've told me." he said in a soft voice.

Agad niya akong yinakap.

"Naiintindihan ko na ngayon. Thank you, wife. Thank you for telling me." aniya.

"I'm sorry." saad ko. "Pero kung ayaw mo talaga ay okay lang. Kung hindi ka mapapalagay ay hindi na lang."

Bumitaw siya sa yakap at tinignan ako.

"Let's coordinate with the case together." sabi niya at ngumiti.

Para bang nagliwanag agad ang aking pakiramdam. Parang nawala bigla ang  lahat ng bigat.

"I'm sorry." sabi ko ulit.

"I'm sorry too." sabi naman niya sa akin pabalik.

Muli niyang pinunasan ang mga luha sa aking pisngi.

Napatitig ako kay Apxfel at gayon din siya sa akin. Ilang minutong nanatili ang tingin namin sa mga mata ng isa't-isa. Bumaba ang tingin ko sa mamula mula niyang labi. Nakaramdam agad ako ng init dahil doon.

I couldn't help myself.

Hinigit ko siya papalapit sa akin. Dikit na dikit na ngayon ang mga katawan namin. Hindi ko na lubos maipaliwanag ang nararamdaman na sensasyon.

Pumikit ako at isiniil siya ng halik. Mabilis naman ang pag responde niya roon.

Forever with the Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon