Chapter 1: That girl and I

2.1K 43 14
                                    

Ellen's POV

"Ate kelan ka babalik? I'm so lonely here. I miss you." sabi ni Emerald.

"I don't know baby, say hi to mommy for me. Miss ko na kayo. How's d-dad?" tanong ko.

"Still the same ate, pero mas mahigpit na siya samin ni Ate Elisa. And for the record, bawal na kaming mag tagalog pag nasa bahay. Grounded agad kami pag narinig niya kaming mag salita ng tagalog. Even mommy can't say anything about it. You know her." palatak niya sakin.

"Yeah. Intindihin niyo na lang si dad and please, wag niyong iiwan si m-mommy kagaya ng ginawa ko." sabi ko.

Hindi agad siya sumagot at maya-maya lang narinig ko na ang pag hikbi niya.

"Y-yes ate, I'll try." sagot niya

"Very good baby. Tatawag ako madalas okay? I need to go. May klase pa ko eh. Take care okay? Love you." sabi ko.

"Okay ate, love you. Bye" sagot niya at nawala na sa linya. 

Sandali akong nakatitig sa kisame habang inaalala ang ginawa ko last 2 years ago. 

I runaway from my family, sa mismong araw ng kasal ko. I saw the place at kahit sinong babae, papangarapin ikasal sa ganun kagandang lugar. 

Be not me. 

I'm already 25 years old pero masasabi ko ngayon ko lang nahawakan ang sarili kong buhay. All my life, nakasunod lang ako sa kahit anong iutos ni daddy. I'm the first born, at dun pa lang na disappoint ko na ang daddy ko dahil babae ako. I'm no good for him. Dahil babae lang ako.

He is a Chinese at hindi pwede sa kanya ang salitang "No". 

I belong to one of the prominent families in China, my dad is a business man at nasa politics naman ang ilang miyembro ng pamilya namin. But being a girl in our family only means one thing, "You're just a puppet." at kung anong galaw ng puppeteer mo, yun ang masusunod.

Half Chinese and Half Filipino ang mommy ko at kahit dito siya sa Pilipinas lumaki, wala pa din siyang nagawa ng ipadala siya sa China at ipakasal sa daddy ko. 23 years old din siya noon, ang pag kakaiba lang namin eh sa 23 years of existence niya nagawa niya ang mga gusto niya nang walang nag didikta ng tama at dapat niya gawin. 

I envy her. Ako 2 taon na kong malaya pero feeling ko lagi pa din nakatingin si daddy at hinihintay akong mag kamali.

My mom is my motivation. She's my best friend. Kahit hindi niya sabihin, alam kong nasaktan ko siya ng umalis ako. 

Bumangon ako at tumuloy sa banyo.

Another day to  treasure.

Another day of freedom. 

Binilisan ko lang ang pag ligo dahil ayokong ma late sa klase ko. Nag toast lang ako ng dalawang bread at uminom ng gatas. Pag katapos kong ayusin ang pinag kainan ko, lumabas na ko ng apartment at nag hintay ng jeep. 

10 minutes lang naman ang byahe pa puntang school pero natatagalan ako sa sobrang traffic. Oh well, hindi to pilipinas kung hindi ka makaka experience ng traffic at init ng manila. 

Halos takbuhin ko na ang gate ng school sa pag mamadali, pinauna na ko ng ilang studyante sa pila at para mag swipe ng card. 

Pag dating ko sa tapat ng classroom, huminga muna ko ng malalim at tsaka binuksan ang pinto. 

"Good morning class!" nakangiting bati ko sa mga studyante ko.

**

Chace's POV

Be my escapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon