Chapter 7: Killer

555 23 3
                                    

Ellen's POV

Nakatingin lang ako kay Chace habang hinihiwa niya yung mga gulay. Sorry na lang siya kasi kung pag luluto lang din ang pag uusapan. Wala talaga akong alam.

Kaya kong mag luto pero kasi yung gusto niya ang kumplekado gawin. Tsaka siya naman ang nag pumilit na dito kumain. Ayan mag dusa siya!

Nakakahiya ka Ellen! Ugh!

"Why the long face teacher?" nakangisi niyang baling sakin.

"Ha? Ah ano. Gutom na ko. Ang bagal mo naman kasi." sabi ko at tinalikuran siya. Hay, kapag siya ang kasama ko wala na kong masabing tama.

"10 minutes na lang Ma'am." narinig kong sabi niya habang nag lalakad ako pabalik ng sala.

Kanina pa kasi ko hindi mapakali. Ewan. Na iilang ako sa kanya pero gustong gusto ko siyang sinusungitan. What's happening Earth?

Tinignan ko ang phone ko kung may message o tawag galing kay Mommy pero wala pa din. Kinakabahan na ko, gusto ko na silang makausap.

"Dinner's ready Teacher Ellen." sabi ni Chace na may hawak pang baso.

Gusto kong matawa nang makita ko ang suot niya. Ang laking tao niya kaya naman hindi talaga bagay ang apron na suot niya.

"Ako nang kukuha ng rice." sabi ko at lumapit sa rice cooker.

"Opps. Umupo kana Teacher. I'll serve you remember?" sabi niya at kinuha ang hawak ko.

Napanganga na naman ako ng hilahin niya ko palapit sa table at ipag hila ng upuan. Mag hapon ko na siyang kasama at hindi ko na mabilang kung ilang beses akong ngumanga sa mga kinikilos niya.

"Mukhang masarap ah. " sabi ko nang makita ang niluto niya.

"Of course. Ako ata ang Chef." proud na proud na sabi niya at pinag lagay ako ng ulam sa plato ko.

Pipigilan ko sana siya pero pareho kaming natigilan ng tumunog ang phone niya.

Tinignan niya ko at tumango lang ako sa kanya.

"Hello?.. Yes speaking. Wait, what? Panong?... Bullshit! I'm on my way." nakatitig lang ako sa kanya hanggat matapos ang pag uusap nila ng kausap niya.

Tumayo siya agad at hinubad ang suot na apron.

Tumalikod siya at nag mamadaling pumunta ng sala. Kinabahan naman ako sa kinilos niya kaya sinundan ko agad siya.

Kinuha niya ang gamit niya at lumapit sakin.

"I'm sorry Ellen. May emergency sa station. I need to go there asap. I'm sorry. Please kumain ka na. Sorry." nagulat ako ng hawakan niya ang pisngi ko.

Hindi agad ako nakapag react.

Pamilyar sakin ang nararamdaman ko ngayon. Ganito ang naramdaman ko ng umalis siya kahapon.

Napatango na lang ulit ako sa kanya.

"I'm sorry again. Lock the door pag alis ko. Okay?" sabi pa niya bago nag mamadaling lumabas ng pinto.

And for the second time. Narinig ko na naman ang maingay na wind chimes sa pintuan.

**

Chace's POV

"Where is he?! Stop this crap dahil hindi na talaga ko natutuwa Flores!" sigaw ko sa mga tauhan kong naka yuko lang sa harap ko.

Very irresponsible. Simpleng trabaho hindi magawa ng tama!

"S-sorry Chief, hindi na po talaga namin nahabol pero may tama ko siya sa binti, mag haha----

"Get him now! Anong tinatayo niyo jan? Hindi pwedeng makawala si Cortez!" sigaw ko at hinampas ang table ko. Agad silang lumabas ng pinto at naiwan akong hindi malaman ang gagawin.

You are so careless Ramirez! Ano na lang ang sasabihin si Dad at ni Danielle? Nakatakas ang killer nila at wala kang magawa!

"Argh!" sigaw ko at hinampas ulit ang table.

This is damn frustrating! Hindi siya pwede makawala sa paningin ko!

I'll haunt you down Cortez!

"Ramirez, go to my office." napatingin ako sa pinto at nakita kong nakatayo doon si Senior Superintendent Placido.

Kelan pa siya nakabalik?

"Sir--

"Now." utos niya.

"Yes sir." sagot ko at agad na sumunod sa kanya.

Umupo ako sa upuan sa harap ng table niya. Alam ko na kung bakit niya ko pinatawag. I know he's disappointed to me. Ganun din naman ang nararamdaman ko sa sarili ko.

"Nakatakas si Cortez under your supervision? I'm not expecting this Ramirez. Of all people alam kong ikaw ang may pinaka gustong mabulok siya sa seldang yon. Anong nangyari son?" tanong niya.

Hindi ako makatingin ng deretso sa kanya, nakakahiya ako.

Ninong namin siya ni Danielle sa kasal at matalik na kaibigan din ni Dad. Siya ang tumayong ama sakin nung mawala si Dad at ayokong nakikitang ganito kami.

"I'm sorry Sir, kasalanan ko po. Tanggap ko po yon, but if you'll give me a chance ibabalik ko siya dito. I wont let him go that ea----

"No hijo, ibang officer ang hahawak sa kasong to, I know you need a break. Your mom asked me a favor for you. Give me your badge." sabi niya at nilahad ang kamay sa harap ko.

No way! Ako ang mag hahanap kay Cortez at hindi kung sinong officer lang. I have to make sure na maibabalik ko siya dito katulad ng ginawa ko noon.

"No Sir, I'm resposible for this ac----

"That's an order Ramirez! I'm your commander at inuutos ko sayong ibigay mo sakin ang badge at ang baril mo. Now." he commanded.

Nag sukatan kami ng tingin at sa huli ginawa ko din ang gusto niya.

It's against the law pero kaya kong ibalik dito si Cortez kahit wala ang tulong nila.

Masama ang loob na lumabas ako ng office niya, dumeretso ako ng barracks at kinuha ang gamit ko.

Para akong high school student na, na suspend ng principal. Damn! Hindi ako papayag na mauwi sa wala ang pag kawala niyo Dad, Elle.

Oo at pamilya ko siya pero nawala ang koneksyon na yon nang patayin niya ang sarili niyang kapatid at ang asawa ko.

You'll surely pay for this Tito.

-----------------------------------------

I'll try to update this story every other day. Kasipagan saniban mo ko!!! :)

-Littlemisspauu

Be my escapeWhere stories live. Discover now