Chapter 6: One step closer

692 26 4
                                    

Ellen's POV

December 28, 20**

I met a new friend today. Actually he's still a stranger to me. Pangalan lang niya ang alam ko, kaibigan na nga ba ang matuturing ko sa kanya

Nakatitig lang ako sa harap ng laptop ko pag katapos kong i post ang entry ko for today sa blog ko. Ano ba talagang nangyari kanina? Eh ano naman kung umalis siya? Bakit kailangan kong maramdam to? Hindi ko alam. Wala akong alam sa mga nangyayari. 

Binuksan ko ang e-mail ko at tinignan kung may bagong message sakin ang mga kapatid ko o si Mommy, pero wala. Kung tawagan ko kaya? 

Kinuha ko agad phone ko at tinawagan si Mommy, naka ilang ring naman pero biglang namatay at nung tumawag ulit ako nakapatay na yung phone niya. Ano kayang nangyari? Nag text ako sa kanya pati na rin sa dalawang kapatid ko pero wala din nag reply. 

Ang weird. Hindi naman ganun dati kapag tumatawag ako.

Tinabi ko ang laptop na hawak ko at inayos na ang kama ko. Gabi na din pala, baka bukas ako na ang tawagan nila Mommy.




**

Chace's POV

"C-chief wala din po sa barrack. Baka naman p-po na iwan niyo sa bahay?" sabi ni Flores habang halos itaob ko na lahat ng gamit sa opisina ko para lang mahanap ang bracelet na bigay sakin ni Danielle.

Fvck Chace! Hindi mo pwedeng mawala yon!

"Paki double check sa hallway. O sa kotse ko. " utos ko nang hindi tumitingin sa kausap ko.

Yun ang huling regalo sakin ng asawa ko. Mawala na lahat, kahit ang kotse ko. Wag lang yon.

"Yes Chief. " sagot niya at narinig ko ang pag sara ng pinto.

Kahit ang mga cabinet sa gilid ng table ko -na imposible namang doon ko nailagay- ay nilabas ko lahat ng laman. Pero wala pa din. This is frustrating!

Narinig ko ulit ang pag bukas ng pinto pero patuloy lang ako sa pag hahanap. Think Chace! San mo ba naiwan?!

"Chief may nag hahanap po sa inyo sa labas. " tinignan ko ang bagong pasok.

"Can't you see I'm busy? Sino daw?!" sigaw ko.

Napakamot sa ulo ang tauhan ko at binuksan ulit ang pinto.

Agad namang sumilip ang babaeng nasa gilid ng pinto.

"U-uhmm. Hi." alanganing sabi niya at pumasok sa opisina ko.

Napa ayos ako ng tayo ng makita siya. Anong ginagawa niya dito?

"Mukhang busy ka. Should I go?" tanong niya at tumingin sa katabi niyang pulis.

Nag taas agad ng kamay si Modelo at nginuso ako at tsaka lumabas ng opisina ko. Great! Ngayon kaming dalawa na lang ni Elle ang nandito.

"Huh? Ahmm I mean may kailangan ka ba?" tanong ko.

Be my escapeWhere stories live. Discover now