Chapter 9: Her

620 25 3
                                    

Ellen's POV

Pag katapos kong maligo ay nag bihis agad ako, inulit ko na lang ang bra ko kasi no choice naman, kesa humarap ako kay Chace na bakat-bakat yung dibdib ko? Kahit na mukhang wala naman babakat.

Nilabhan ko na din ang panty ko at sinampay sa loob ng banyo. Sinuot ko ang boxer na bigay niya kahit medyo asiwa akong gumalaw dahil wala na kong suot sa loob kundi yun lang.

Ano ba naman tong pinasok mo Ellen?

Kinuha ko ang white t-shirt na bigay niya, mukhang uniform pa niya to dahil may logo ng pnp sa likod.

Ilang beses akong umikot sa harap ng salamin tsaka lang ako lumabas ng kwarto at bumaba ng hagdan.

Malapit na sa tuhod ko ang tshirt niya kaya hindi na kita ang suot kong boxer.

Nag kasalubong pa kami sa hagdan at napatingala siya sakin. Tumaas ang isang kilay niya at nag kibit balikat. Ano namang ibig sabihin non?

"Susunduin na sana kita, baka lumamig na yung pag kain." sabi niya at bumaba na ulit ng hagdan.

Sumunod ako sa kanya habang binaba pa ang t-shirt niya. Hindi naman ako sanay na kanito ang suot. Hindi pwede kay Daddy ang naka shorts kami sa bahay. Mula pag kabata below the knee dresses na ang sinusuot naming mag kakapatid.

"Sorry walang ganung gamit dun sa kwarto mo. Wala naman kasi talagang gumagamit ng kwartong yon, sabihin mo na lang sakin kapag may kailangan ka." sabi niya at umupo na.

Umupo ako kaharap siya at tinignan ang pag kain. Pano kaya siya natuto ng pag luluto?

"Hindi mo ba gusto?" napa iling agad ako sa tanong niya, baka sabihin niya nag iinarte ako, hindi ko lang talaga alam kung ano uunahin ko.

**

Chace's POV

Natapos kaming kumain na hindi nag iimikan, gustong-gusto ko siyang kulitin at asarin pero mukhang nahihiya talaga siya, lagi kasi siyang nakayuko at hindi tumitingin sakin.

Nag prisinta siyang mag hugas ng pinag kainan namin kaya gumawa na lang ako ng coffee.

"Coffee tayo?" alok ko sa kanya nang matapos siya.

"Ahmm, hindi na. I should sleep maaga ang pasok ko bukas baka ma late ako pag uminom ako ng coffee." sagot niya at nag punas ng kamay.

"Pano ka nga pala makakapasok? Ako ng bahala sa mga gamit mo, may inutusan na ko para kunin yun pero hindi ko alam kung anong oras niya madadala dito. Mag half day kana lang kaya?" sabi ko at nag labas ng sterilized milk.

"Uhmm, hay sige na nga. Wala naman ibang choice eh." sabi niya at tumabi sakin.

Be my escapeWhere stories live. Discover now