Chapter 4: I'm not alone

916 35 4
                                    

Ellen's POV

"Bye teacher Ellen, Merry Christmas again!" nakangiting paalam sakin ng mga co-teachers ko. Nag pa iwan na kasi ko sa table namin dahil sabi ko may hihintayin pa ko, ayoko na kasing sumama sa kanila mag bar. 

"I'll be back teacher Ellen, hatid ko lang sila sa service then samahan na kita mag hintay dito." singit ni Hubert. No please. 

"Ahh ano , wait!---" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang lumabas na sila. Just great!

Kinuha ko na agad ang bag ko at lumabas ng fast food chain, window shopping? 

Napatigil ako nang makita ko ang isang pamilya sa loob ng boutique. Yung lalaki nasa early 30's siguro siya, hawak niya yung kamay ng batang babae, habang tinitignan yung asawa siguro niya yun na namimili ng damit. The way he looks at her...bakit ganon? Para bang sinasabi ng mata niya na siya ang mundo niya. I can----

"Hey!" napatingin ako sa taong nasa gilid ko. 

"W-why?" tanong ko. Teka bakit ko nga ba kinakausap ang lalaking to? 

"Your phone." sabay abot sakin ng cellphone ko. 

"Wait, pano napunta to sayo?" tanong ko sabay hablot ng cellphone ko sa kamay niya. 

"You're spacing out miss, wrong move lalo na nasa public place ka. Muntik ka na manakawan." sabi niya sabay turo sa bag ko. Nanlaki ang mata ko ng makitang may butas na ang lower part non. Niyakap ko agad ang bag ko dahil malalaglag na yung ibang gamit ko. Pag tingin ko kay officer nag lalakad na siya paalis kasama ang ilang guards na may hawak sa mag nanakaw. I guess. 

"Wait lang Mr. Officer!" habol ko. 

Huminto naman siya at tumingin sakin. 

"T-thank you." sabi ko. 

Kumunot lang ang noo niya at biglang lumapit sakin. Strange feeling, bigla akong kinabahan. 

"Let's go." sabi niya sabay hablot ng kamay ko. 

Aba teka! Oo tinulungan niya ko pero bakit kailangan kong sumama sa kanya? 

"Teka lang Officer! Bakit sinasama mo ko? San tayo pupunta?" sabi ko habang pinipiglas ang kamay ko. Hindi naman siya umimik at hinila lang ako. 

Ganon na lang yon? Sasama na lang basta-basta? No way! 

"Bitiwan mo nga ako! Nag thank you naman ako diba? Quits na tayo!" sigaw ko. 

Bigla siyang huminto kaya naman na untog ako sa likod niya. Aba't! 

"Will you just shut up? Ang sakit mo tenga, alam mo yon? Sasama ka sakin sa station para mag sampa ng reklamo, pwede na ba yon?" mabilis na sabi niya at hinila na naman ako. 

Be my escapeWhere stories live. Discover now