Chapter 8: The boyfriend

633 26 3
                                    

Ellen's POV

Dumaan ang new year dito sa Pilipinas pero hanggang ngayon wala pa din akong balita sa Mommy at mga kapatid ko. I'm freaking worried pero wala akong maisip na paraan to reach them. Laging unattended ang phones nila. Ilang email na din ang pinadala ko for them pero kahit isa wala akong reply na nakuha.

What supposed to be the problem?

Nag lalakad na ko ngayon palabas ng school. Hindi ko alam pero ayoko pang umuwi ng apartment. Isa pa wala din naman akong aabutan don. Na miss ko tuloy bigla sila Mommy. Sana naman maayos lang sila.

Pasakay na ko ng tricycle nang may tumawag ng pangalan ko.

"Teacher Ellen, buti naabutan kita. Ihahatid na kita." bigla tuloy gusto ko ng umuwi. Pati ba naman sa labas ng school sinusundan ako?

Nakakaubos na talaga ng pasensya ang mama's boy na to.

"No Hubert, just go to your Mama and leave me alone." I said in Mandarin language.

"What? Hindi ko maintindihan." naguguluhang sabi niya.

"See? Hindi tayo mag kaintindihan Hubert, just please..tigilan mo na ko." I don't want to be rude pero kasi nakakapikon na din yung ginagawa niya.

Sa loob ng campus mas malala pa siya, para siyang bata kung mag papansin. Attention seeker.

"But teacher Ellen I just w----

"Narinig mo ang sabi niya pare, and I more thing, trabaho ko ang ihatid siya. As far as I know, I'm the boyfriend." parehong nalaglag ang panga namin ni Hubert nang hilahin ako ni Chace at ipulupot ang kamay niya sa bewang ko.

Anong ginagawa niya dito? Teka. Ano daw? The boyfriend? May saltik ba to?

"You must be kidding pare, ako ang nanliligaw sa kanya, at anong boyfriend? Teacher Ellen sino ba to?" bakas ang inis sa mukha ni Hubert at hinawakan ang braso ko para hilahin ako palayo kay Chace pero mahigpit ang hawak ni Chace sa bewang ko.

"Don't touch her kid, hindi mo gugustuhin ang kaya kong gawin sayo." mahina pero mariing sabi ni Chace.

Mukha namang natakot si Hubert dahil agad niya kong binitawan.

"Let's go hon." para akong tinakasan ng sarili kong kaluluwa habang hawak niya ang kamay ko pa punta sa kotse niya.

Boyfriend? Hon? Is he taking drugs?

Hindi ko magawang mag salita habang nasa byahe kami. Una hindi ko alam kung anong sasabihin o kung may dapat nga ba kong sabihin. I'm sure kaya lang niya ginawa yon ay para iligtas ako kay Hubert. And I'm thankful for that, pero bakit hanggang ngayon ay hawak pa din niya ang kamay ko?

Pangalawa bakit hindi ko magawang bawiin ang kamay ko sa kanya? Come on Ellen Grace, make a move!

"Ahmmm..." I said after a decade.

"Are you free tonight Ellen?" tanong niya pero hindi pa din binibitawan ang kamay ko.

Nang babawiin ko naman ay mas hinigpitan pa niya ang pag hawak. Alam kong namumula na ang mukha ko kaya deretso lang ako ng tingin sa kalsada. Don't look at him Ellen! Nakakahiya ka! Ngayon kapa talaga nag blush! Get a grip!

Be my escapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon