Chapter 5: Disappointment

883 33 5
                                    

Ellen's POV

Nag lalakad ako ngayon pauwi galing sa palengke, sabado ngayon at ang aga kong nagising dahil sa ingay ng kapitbahay. Grabe talaga. Pasensya pa Ellen. 

Ang hirap din makipag baratan sa mga tindera sa palengke, nung unang taon ko dito, hiyang hiya talaga ko pag pupunta ng palengke. Never kong naranasan yung ganun nung nasa China ko. As in never, lahat kasi ng kailangan namin ng mga kapatid ko nakahanda na. But based on my experience here, kahit mahirap ang buhay ko, masaya ako. I'm free. I"m finally free. 

Napatigil ako sa pag lakad ng mapansin ko ang kulay asul na kotse sa harap ng apartment ko. Kanino kaya yon? Ginawa pang parking lot ang harap ng bahay ko. Hmp. 

Mabilis akong nag lakad para silipin kung nasa loob ba ang may ari ng kotseng yon, pero hindi pa man din ako nakakalapit, bumukas na ang pinto ng kotse at lumabas ang isang matangkad at gwapong pulis---ay teka pulis? 

"Good morning." nakangiting bati niya sakin. 

"What are you doing here? Pano mo nalaman ang bahay ko?" halos sigaw na tanong ko sa kanya. 

"Woah, easy Elle, I'm just here to say sorry about what happened sa first meeting natin. I'm really sorry. Can you forgive me? Christmas naman eh." nakangiti pa ding sabi niya. 

Halos manlaki ang mata ko sa huling sinabi niya, seryoso? Nag sorry siya? With smile pa ha, iba nga ata ang pasko dito sa pilipinas. 

"So ano? Bati na tayo Elle?" tanong niya ng hindi pa din ako sumasagot, lumapit siya sakin at agad naman akong napaatras. 

"H-ha? Teka bakit ba Elle ka ng Elle eh Ellen naman ang pangalan ko? Two syllables na nga lang tinamad ka pang sabihin." sabi ko at inirapan siya. 

Kumunot ang noo niya sa sinabi ko at natigilan. 

"Ahmm okay. Sorry Ellen." sabi niya at napakamot ng ulo. 

Okay. Hindi siya cute! 

"Hi, I'm Chace Julian Ramirez, but you can call me Chace if you want. Nice to meet you Ellen Grace Wang." sabi niya at nag lahad ng kamay sakin. Napatingin ako sa kamay niyang nakalahad sa harap ko. Hindi ko alam kung anong nangyari pero tumayo talaga ang balahibo sa batok ko ng sabihin niya ang buong pangalan ko. 

"Hindi kasi maganda ang first meeting natin, so pwede naman sigurong ulitin natin diba?" dagdag niya habang nakalahad pa din ang kamay. 

Wala sa sariling inabot ko ang kamay niya, nakangiti pa din siya at nakatitig lang sa mata ko. This is weird. So weird. 

"So, san ka galing?" tanong niya habang nakatingin sa mga dala ko. 

Be my escapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon