Chapter 7

2.9K 90 0
                                    

Ice POV

"Ice baba muna ako... Bibili lang ako ng pagkain natin" sabi niya

"You don't need to that... Pwede naman nating tawagan yung cafe" sabi ko

"Eh.. Nakakasawa kasi" sabi niya and then she pout. D-mn it! She's so cute. Napabuntong hininga ako.

"Alright" sabi ko. Ngumiti siya ng matamis.

"I'll be back" sabi niya bago naglakad palabas.

Janella's POV

Napangiti ako habang sinasarado yung pintuan. Sumakay na ako sa elevator. May nakakasabay akong mga empleyado. Tahimik lang sila.

*Ting*

Agad akong bumaba sa elevator at may nakitang pamilyar na likod.

"Edward!" Tawag ko

"Janella" sabi niya

"Sorry sa last time ah" sabi ko

"It's alright" sabi niya at napasandal sa pader

"Edward!" Napatingin kami sa likod at nakita ko yung medyo rude na babae. Franchise Red.

"Oh Red what brings you here?" Tanong ni Edward. Teka magkakilala sila?!

"Duh! Don't call me Red! Call me Franchise" sabi niya sabay flip ng hair at tingin saakin.

"Ikaw nanaman!" Taas kilay niyang sabi. Aba!

"Sa pagkakaalam ko pag-aari namin namin ito... So paano nakapasok ang isang katulad mo sa companya NAMIN" taas kilay ko ding sabi. Inirapan niya ako. Inemphasized ko talaga yung word na NAMIN.

"Whatever" sabi niya at humarap kay Edward.

"So anong ginagawa mo dito!?" Tanong niya

"Nothing" sabi niya at muling napasandal.

Paalis na sana ako nang may humila sa buhok ko.

"Ano ba!" Sabi ko. Ang sakit!

"Tandaan mo! Ako ang mahal ni Ice! Ginagamit ka lang niya" sabi niya. Itinulak ko siya. Napahiga siya sa floor. Tumakbo ako habang nakapagtitimpi pa ako. Lumapit saakin yung guard.

"Ma'am sorry po.. Ang kulit po kasi ng isang yon!" Sabay kamot niya sa batok

"Okay lang ho manong... Pero sa susunod po huwag niyo na po siyang papapasukin baka mag-iscandalo" sabi ko

"Sorry po ulit Maam" sabi niya at tumakbo papunta sa babae.

Inayos ko yung gulo-gulo kong buhok. Tumawid ako sa kanto. Malapit lang kasi yung mga resturants sa building namin. Nag-order na ako ng mga pagkain namin ni Ice.

Habang naglalakad ako pabalik sa building ay may nakasalubong ako na grupo ng mga kalalakihan.

"Find his Queen! I'm sure nandito lang yon" napataas yung balahibo ko sa narinig ko. Naglakad ako ng mabilis.

"I will make him Fall... Ice is gonna fall from his throne" sabi niya sabay halakhak. Napatakbo ako sa building.

"Ma'am okay lang po ba kayo?" Tanong ng guard. Tinignan ko yung guard at tumango. Nakakainis! Akala ko ba nag-quit na siya! Nangako siya na hindi na siya babalik doon! Tumakbo ako papunta sa elevator. Nakakagalit at nakakainis! Padabog akong pumasok sa office niya. Agad siyang napatingin habang nakakunot yung noo.

"Is there's something wrong?" tanong niya at binaba lahat ng mga paper works at lumapit saakin. Hindi ko siya sinagot at umupo sa sofa. I hate the fact na nagsisinungaling siya saakin! Naramdaman kong umupo siya sa tabi ko.

"Hey" tawag niya. Napatayo ako. Ayokong tumingin sakanya kasi natatakot ako! Natatakot ako na masaktan ko siya dahil sa init ng ulo ko.

"Baby.. May nangyari ba habang wala ako?" Tanong niya.

Oo meron! Yan ang gusto kong sabihin.

"Baby..." Imik niya at hinawakan yung shoulder ko.

"Pwede ba. Huwag mo muna akong hawakan" sabi ko at lumakad palayo. Kinuha ko yung bag ko at naglakad palabas sa office niya.

"Mauna na ako... Magkita na lang tayo sa bahay" sabi ko at tumakbo papasok sa elevator.

Ice POV

What's happening to her? Bakit siya nagagalit? Agad kong iniligpit yung mga paperworks ko. Nilagay ko lahat sa folder at tumakbo palabas.

"Sir!" Bati ng guard

"Did you see my Wife?" Tanong ko

"Opo sir... Parang bad trip na niiyak po!" Sabi niya sabay kamot sa ulo. Natampal ko yung noo ko. D-mn! Anong nangyari! Tumakbo ako papunta sa kotse ko at pinaandar ng mabilis.

-

Pagkarating ko sa bahay ay agad akong bumaba sa kotse ko. Pagkapasok ko sa loob ay nadatnan ko siyang nakaupo sa sofa at nakatingin sa bintana.

"Baby" sabi ko. Napatingin siya. What did I do?

Janella's POV

"Baby" narinig kong tawag niya. Tinignan ko siya ng matalim. Sa oras na to, sasabog na yung inis ko.

"Tell me may masakit ba sayo?" Tanong niya.

"Magsabi ka ng totoo Ice! Magsabi ka!" Sigaw ko. Nakita ko siyang naguguluhan.

"What do you mean?" Tanong niya

"Nakakainis ka! Lagi mo akong pinag-aalala!" Sabi ko at pinalo-palo siya.

"Baby" sabi niya at hinawakan yung dalawa kong kamay.

"Bitawan mo ako" sabi ko

"Tell me first your problem?" Sabi niya. Mahirap ba sakanya na aminin na lang? Napaupo ako sa sofa. Bakit hindi ko masabi sakanya? G-gusto kong siya mismo ang umamin saakin.

"Matulog ka na, pagod ako ngayon" sabi ko sabay sandal sa sofa.

Sana hindi ka mapahamak Ice. Galit ako sayo, pero that doesn't mean na mababawasan na yung pagmamahal ko sa'yo.

PTBAN2:The King's Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon