Chapter 26

1.9K 51 0
                                    

Janella's POV

Papunta ako ngayon sa office ni Ice. Napangiti ako habang hawak-hawak ko yung paper bag. Nagdala ako ng lunch niya. Baka hindi nanaman siya kumain ng lunch. I gently opened the door at napangiti. Nakakunot yung noo niya habang nakayuko. Maingat akong pumasok at lumapit sa kinaroroonan niya. Umupo ako sa sofa. Napangiti ako. Sa sobrang busy niya hindi niya napansin na nandito na ako. He closed all the paper works and massaged his temple. Napatingin siya sa kinaroroonan ko at nanlaki yung mata. Ngumiti ako sakanya sabay angat ng paper bag para ipakita sakanya.

"Surprise!" Sabi ko. Dahan-dahan naman siyang napangiti. Nawala yung pagkakakunot ng noo niya. Tumayo ako at lumapit sakanya. Nilapag ko yung paper bag sa harap niya. "Sa sobrang busy mo.. Hindi mo man lang napansin na nakapasok na ako" sabi ko habang nakangiti. "Well break time muna at kailangan mong kumain... Ano bang sabi ko sa--"

"Eat on time" putol niya sa sasabihin ko.

"At anong ginagawa mo ngayon?" Masungit kong tanong. Napakamot siya sa batok niya habang nakatingin saakin.

"Sorry" sabi niya. Ngumiti na lang ako at inilabas yung mga pagkaing niluto ko. Agad naman niyang kinuha yon "Tapos ka nang kumain?" Tanong niya.

"Uhuh" sabi ko habang tumatango. Ngumiti siya habang sumusubo.

"My Wife is also a Chef" sabi niya. Napalingon ako sakanya.

"Oo naman no!" Proud kong sagot. He chuckled.

-

Hindi ko maiwasang mapatingin sa paligid habang palabas ng company. May nahagip akong babae sa paningin ko. Bumilis yung tibok ng puso ko. Siya... Siya yung babaeng may hawak lagi na camera. Palagi siyang nakahood at nakashades. Siya na kaya yug stalker? Agad akong tumakbo papunta sa kinaroroonan niya pero agad siyang tumakbo. Napatigil ako sa pagtakbo at pinagmasdan siya habang tumatakbo palayo. Mukhang siya na yung stalker ni Ice.

Nang hindi ko na siya makita ay agad akong bumalik papunta sa parking lot nang makasalubong ko si Edward.

"Hi" bati niya. Ngumiti ako

"Hello" sabi ko

"It's been a long time" sabi niya sabay chuckle

"Kaya nga... Kelan lang noong magkaklase tayo noong high school" sabay tawa ko

"Hahahaha your still the Janella I knew... But now more mature Janella" sabi niya

"Pasensiya ka na sa last time noong nasa mall tayo" sabi ko

"No need... I understand" sabi niya "So your husband is the Famous CEO Ice Levi Wu?" Sabi niya

"Ahh.. Oo" sabi ko

"He seemed so possessive" loko niya.

"Yeah... Pero mahal ko yun" sabi ko.

*Kringggg*

"Umm... Mauna na ako... See you again" sabi niya

"Okay bye" sabi ko at naglakad na din palayo.

Edward is my close friend since high school. Ngayon lang ulit kami magkita. Ngayon hindi na kami gaano close katulad ng dati.


FlashBack

"Edward!" Tawag ko. Napalingon siya at ngumiti. He's Edward Davidson. My closest boy bestfriend in high school.

"Janella!" Tawag niya at lumapit saakin. Pagkalapit niya ay may inabot siya saaking paper bag. Napakunot noo ako at tinignan kung ano yung laman non. Agad ding napalitan yung kaninang nakakunot na noo ko ng ngiti.

"Ikaw talaga! Sabihin mo pambawi mo lang to!" Asar ko

"Eh sorry na kasi" sabay kamot niya sa batok niya

"Joke lang eto naman... Siyempre napatawad na kita.. Bestfriend kita eh.. Dapat lagi tayong nagdadamayan hindi nagkakasakitan" sabi ko. Napangiti naman siya

"Tara sa cafeteria... Libre ko" sabi niya.

"Game!" Sabi ko at sabay kaming napatawang dalawa.


-

Nandito ako ngayon sa field. It's been a week na hindi ko na siya nakikita. Hindi man lang siya magparamdam. Siya lang naman yung kakclose ko dito eh. Asan na kaya yung panget na yun?

"Janella" napatingin ako kung sino to. Isa sa mga kaklase ko.

"Yes?" Sagot ko

"Hindi mo ba nabalitaan kung saan na si Edward?" Tanong niya.

"Huh? Bakit saan ba siya?" Tanong ko

"Wala na siya dito sa school... Lumipat na siya sa London" nabigla ako sa sinabi niya. Bakit? Anong nangyari? Hindi man lang niya sinabi kung bakit siya umalis? Hindi man lang siya nagpaalam saakin. Nalungkot ako simula nong sinabi saakin ng isa kong kaklase yung balita. Hindi ko naman masisisi si Edward eh.

Noong mga panahon na nawala siya doon ko nakilala si Pat. Naging kaclose ko siya hanggang sa maging magbestfriend kami. Never akong nagtanim ng galit kay Edward. Maybe one day mageexplain siya kung bakit siya umalis ng walang paalam.


EndOfFlashBack


Hindi naman talaga ako nagalit kay Edward eh. Siguro ngayon wala pa siyang explanation. Naiintindihan ko naman siya. Maybe it's private para hindi niya masabi saakin. Agad akong pumasok sa loob ng kotse ko at nagdrive.

"Yeah Edward it's been a long time" bulong ko at nagdrive.


-

Author's Note:

Updated!💖💓

PTBAN2:The King's Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now