Chapter 30

1.8K 59 4
                                    

Ice POV

Nandito ako sa hospital ngayon pinupunasan ko yung kamay niya. Hanggang ngayon wala pa ring improvements. Sana gumising na siya.

"Wife gising na... Pagkagising at pagkagaling mo maglealeave ako sa company at magtotour tayo" sabi ko habang nakangiti ng mapait.

Still no response. Hihintayin ko siya. Hindi ako susuko. Lihim akong napaiyak sa tabi niya. Ang sakit! Ang sakit sakit! Sobrang sakit na makita mo yung mahal mo na nakahiga sa hospital bed. Please naman!

"Anak ko!" Napalingon ako sa pintuan. It's Mama Liliane. Agad siyang lumapit. "A-anong balita Ice? Anong nangyari? Bakit ganito? Bakit?" Sunod-sunod niyang tanong. Napalunok ako. Kasalanan ko to eh! Kasalanan ko kung bakit kami nabunggo. Kasalanan ko lahat ng ito! Napaiyak na lang ako.

"Mama... I-i'm... I-i'm so sorry... Hindi ko po sinasadya" hinging paumanhin ko

"A-anong ibig mong sabihin?" Tanong niya

"Hindi ko po sinasadya mama... Sorry po... Kasalanan ko ito! Kaya siya nakahiga diyan ngayon... Dapat ako yung nandiyan eh hindi siya" iyak ko. Lumapit siya saakin at niyakap ako

"Sshhhh.. Hindi totoo yan... Alam ko kung gaano mo kamahal yung anak ko kaya hindi mo yon magagawa..." Iyak niya. Napaiyak din ako. Why it is so complicated? Bakit? Hindi na lang ako nagsalita at pumikit habang tumutulo yung luha.


-

Tapos na kaming maglunch at nandito ako ngayon sa kwarto niya. Si Mama Liliane nasa chapel at si mom nasa company. Siya pa lang ang mangangalaga habang wala ako. Ayoko siyang iwan. Natatakot ako. Na baka in just one blink of an eye wala na siya. She's still unconcious at wala pa ring improvements sa pulse niya. Nakatitig ako sakanya ngayon. I don't know what to do. Ang alam ko lang ngayon ay maging matapang ako. I need to be strong para sakanya. Hindi pwedeng sumuko agad ako. Hindi ko siya susukuan.

"Ice... Ako muna diyan magmeryenda ka muna" sabi ni mama Liliane.

"Dito na lang po ako" sabi ko. Tinap niya yung shoulder's ko at ngumiti ng mapait habang naluluha.

"Be strong" sabi niya. Napaiyak ako sa narinig.

Wife ko gising na madami pang naghihintay sayo para gumising. Nandito ako naghihintay sayo. Kaya please naman gising na.


-


"Sir ichecheck ko lang po yung patient" sabi ni Dra. Napatango ako. Pagkatapos niyang icheck ang asawa ko ay agad siyang napatingin saakin. "Sir Ice Levi Wu, I need to talk to you" sabi niya at lumabas. Napatingin ako kay mama Liliane at tumango siya saakin. Lumabas ako ng room at pumunta sa office ni Dra. Nakaupo siya sa swivel chair.

"Dra. bakit? Anong nangyayari?" Tanong ko

"Sir Ice, still no improvements sa katawan ng asawa niyo... Sa ngayon mas lumala yung condition niya. I'm sorry to say this pero....... Machine na lang ang bumubuhay sa katawan niya" biglang naglaho yung mga pangarap ko kasama siya. Biglang gumuho yung mundo ko. Ayoko! Hindi ko siya isusuko!

"Hindi yan totoo Doc! Hindi pwede! Buhay ang asawa ko!" Sigaw ko habang tumutulo yung luha ko. P*tangina naman! Ang sakit-sakit!

"I'm sorry... Wala na tayong magagawa.... She's really in the critical condition... Umasa na lang tayong may miracle... Pero Sir... You have to decide either tatanggalin na yung machine na nakakabit sakanya o patuloy pa rin tayong umasa sa isang miracle" sabi ng doctor.

"Excuse me" sabi ko at lumabas. Ang sakit! Ang sakit-sakit! Ito na siguro yung parusa ko sa lahat ng ginawa ko! Pero huwag naman sana.... Hindi pa ako handang mawala siya... Kahit kelan hindi ko hiniling na mawala siya... Ang sakit-sakit! Napasandal ako sa dingding habang umiiyak.



No I can't give her up.... Masyado ko siyang mahal para igive up.

-

Author's Note:

Leave comments

PTBAN2:The King's Love (COMPLETED)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن