Chapter 27

1.9K 56 2
                                    

Janella's POV

May photoshoot kami ngayon ni Ice. Nauna na ako dito sa studio at susunod na lang daw siya. May kinuha siyang important papers sa office niya eh.

"Alam mo Ma'am bagay na bagay kayo ni sir Ice!" Sabi ng make-up Artist ko. Napangiti ako sa sinabi niya.

"Talaga?"

"Oo naman ma'am! Sobrang sweet niyo po sa isa't-isa! Sana may ganoon din akong boyfriend!" Sabi niya. Napatawa ako

"In God's time you'll find the best" sabi ko

"Gusto ko yan ma'am ah! Tsaka stay strong po sainyo!" Sabi niya. Ngumiti ako. Sakto namang bumukas yung pintuan. Napatingin ako sa reflecion sa salamin. Nakita ko siyang may hawak na paper bag.  "OMG! Ma'am! Ayan na si sir! Maiwan ko muna kayo" bulong niya at lumabas.

Lumapit siya saakin at ngumiti. Ngumiti rin ako sakanya. Inikot niya yung upuan ko kaya napaharap ako sakanya. Lumuhod siya para magkapantay kami. Hinawi niya yung mga hibla ng buhok ko na humaharang sa mukha ko.

"My wife is really gorgeous" bulong niya habang hinahawi yung buhok ko. Pinagmasdan ko lang siya. Napatingin siya sa mata ko. Ngumiti ako sakanya.

"Okay na ba yung mga paper works mo?" Tanong ko

"Yeah" sabi niya at tumayo. Humila siya ng upuan sa gilid at dinala sa harap ko. Kinuha niya yung hawak niyang paper bag at binuksan ito. May inilabas siyang dalawang ice cream, fries, at coke. "Eat First" sabi niya at sinubuan ako ng fries.

"Ikaw din kumain ka na" yaya ko sakanya. Kumuha din siya ng fries at sinubo ito.

-

Kakatapos lang ng shoot namin ay napaupo ako sa gilid. Nakita ko si Ice na kausap si Sir Steven pagkatapos ay umupo siya sa gilid ng sofa. Napangiti ako. I took my phone out at pinicturan siya.

 I took my phone out at pinicturan siya

Ups! Gambar ini tidak mengikuti Pedoman Konten kami. Untuk melanjutkan publikasi, hapuslah gambar ini atau unggah gambar lain.

Bagay na bagay talaga siyang magmodel. Nakangiti ako habang pinagmamasdan yung picture niya sa phone ko. Minsan ko lang siya kunan ng litrato.

"What's that?" Muntik kong nabitawan yung phone ko dahil sa gulat. Napatingin ako sakanya at tinago yung phone ko.

"A-ahh w-wala" sabi ko. Nilapit niya yung mukha niya sa mukha ko at tinitigan ako ng malalim.

"Wife tell me what's that?" Tanong niya. Nahihiya kasi ako sakanya! Kaya tinago ko pa lalo yung phone ko sa likod ko. Ngumisi siya. Sa isang iglap wala na yung phone ko sa kamay ko! Anyare?!

"Ice!" Sabi ko habang nanlalaki yung mata. Napangisi siya ng makita kung ano yung nasa cellphone ko.

"I didn't know that my Wife is taking a picture of me" sabi niya habang nakangisi.

"Che!" Sabi ko at nahablot ko na din yung phone ko sa wakas!

"My Wife is too cute..." Sabi niya and then he pinched my cheek. Ang hilig niyang pisilin yung pisngi ko ah!

"I---ice!" Sabi ko at lumayo sakanya.

"Come here Wife i'm not done yet!" Sigaw niya. Inirapan ko siya at tumakbo papunta sa dressing room ko.


-

Magkahawak kamay kami habang nagdridrive siya ng kotse. Sinabi ko sakanya na huwag na kaming magkahawak baka madisgrasiya kami pero mapilit siya. Wala akong magawa kung hindi magtiwala sakanya. Wala naman gaanong sasakyan ngayon kaya okay lang Tahimik lang kami sa biyahe. Inaantok ako dahil sa pagod kanina.

"Sleep Wife.. I know your tired" sabi niya. Pinisil ko yung kamay niya. Ayoko gusto ko samahan siya sa buong biyahe. Ngumiti siya saakin at binalik yung mata sa high way. Pero nagulat ako sa nangyari.


*BEEP*





Tila nagslow-mo ang paligid. Napalingon ako kay Ice na napalingon rin saakin. Nakita kong kinabig niya yung manibela para hindi kami bumunggo sa truck. Napalingon ako sa harap at nanlaki yung mata ko. Agad akong napatingin sakanya. Patawarin mo ako Ice pero kailangan ko itong gawin.




*BOGSHHHHH*

-

Author's Note:

Updated! Don't forget to vote and leave comments!

PTBAN2:The King's Love (COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang