Chapter 48

1.5K 34 2
                                    

Janella's POV

Hinawakan ko yung kamay niya.

"Aalis lang ako ha? Kailangan kong mabantayan yung company natin" malungkot kong saad "Pagbalik ko dapat gising ka na...." Sabi ko. Ngumiti ako ng mapait bago lumabas ng room. Nakasalubong ko yung doctor pagkalabas ko.

"Doc? Pakibantay po muna ang asawa ko... Babalik rin po ako" paalam ko

"Sige Mrs. Wu babantayan ko ang asawa niyo" sabi ng doctor

"Thank You po" sabi ko at umalis na.

-

Napahawak ako sa sentido ko sa sobrang sakit ng ulo. Sobrang daming natambak na trabaho magmula ng mangyari yon.

"Kaya ko to.... Kayang-kaya ko to" pagchecheerup ko sa sarili ko.

Bumalik ako sa pagpipirma ng paper works.


-


Nang makasakay ako sa kotse agad kong pinaharurot to.

🎶 Without You I feel broke
Like i'm half of the whole
Without you I got no hand to hand🎶

Napaiyak ako sa kanta. Pinatay ko ito at hininto yung kotse. Napahawak ako sa chest ko ng sumakit ito. Napapikit ako habang umiiyak. Yung sakit bumabalik nanaman.

"Ice.... Bumalik ka na please" iyak ko habang nakahawak sa chest ko.

Sobrang sakit! Hindi ko makaya. Napabuntong hininga ako at pinunasan yung luha ko. Gigising pa siya Janella.... Matapang yung yabang na yun kaya kaya niya. Lalaban yun.

Nang makahinga ako ng maluwag ay agad kong pinaandar yung sasakyan. Didiretso ako ng hospital. Ayoko siyang iwan.

Kringgggg

"Hello?"

[Anak? Okay ka lang ba? May masakit ba sayo?] tawag ni mommy

"Mom.... Ang sakit pala... Hindi lang dobleng sakit ang nararamdaman ko mom" iyak ko habang nagdridrive

[Anak... Pag sobra na tama na... Sorry to say this but you need to learn to let go anak] sabi niya

"Mommy naman I can't give him up... Ayoko! Hindi niya ako iiwan mom" iyak ko

[Don't fool yourself Janella... It's been four months.... Four months anak..]

"Kahit na Mom... Ayoko... I can't... Naniniwala akong gigising siya... I can't let him go mom" sabi ko

[Your mama is sick.... She needs to go to the hospital....] sabi ni Mom.

"Okay mom kita na lang tayo nila mama sa hospital" sabi ko

[Okay anak... Drive safely]

Tumulo yung luha ko. Pinunasan ko ito pero may tumulo ulit. Hinayaan kong tumulo ito ng tumulo.

No! Kahit anong sabihin nila... Hindi ko siya susukuan... I Love Him so Much...


-

Nang makarating ako sa hospital ay agad akong tumakbo papunta sa room niya. I Miss Him. I opened the door at nakita ko pa ring tulog siya. Umupo ako sa tabi niya at hinawakan yung kamay niya.

"Ice? I'm here... Kababalik ko lang... Kamusta na? Hindi ka pa rin gigising?" Tanong ko

"Honestly.... Gusto na nila mom at mama na ipatanggal yang machine..... Kahit masakit isipin na kaya ka nilang isuko pero ako...... Ayoko..... Kaya gising na please... Please lang... Nagmamakaawa ako Ice.... Palagi na lang akong wala sa sarili simula ng mangyari yon" sabi ko

"I Love You" sabay halik sa kamay niya "I Love You so Much..... Hihintayin kita" sabi ko hanggang sa nakatulog.




-

Nagising ako ng may humahaplos sa buhok ko. Ice?!

"ICE!!!!" Sabay bangon ko. Pero napalitan yung excitement ko ng lungkot.

"Anak...!" Nanlalaking mata niya. "Okay ka lang?" Tanong ni Mom. Napatingin ako sa kasama niya. Tumayo ako at nagmano sakanila.

"Okay lang po... Akala ko po kasi siya yung humahaplos sa buhok ko" sabi ko

"Let's give up na Janella" sabi ni Mama.

"Mama alam niyong diko magagawa yun... Please ma... Huwag niyo rin siyang sukuan please" pakikiusap ko

"4 months na siyang tulog.... Sabi ng doctor wala na.... Nag warn din siya saamin na wala na si Ice... Anak... Kahit masakit.... Tama na yung paglaban niya ng four months and magpahinga na siya" sabi ni mama.

"Pero mama--"

"Alam kong mahal na mahal mo siya anak... Pero it's time to let go... Kahit na masakit... Hayaan na natin siyang magpahinga" napatahimik ako habang umiiyak. Napalingon ako sa higaan niya. I can't let him go. Napapikit ako kasabay ng pagbagsak ng luha ko.

I held his hand.

"I just can't let him go" pumipiyok na sabi ko. Narinig ko yung pag-iyak nila. Napapunas ako ng luha ko at lumabas ng pintuan. Tumakbo ako palayo. Ang sakit! I can't bear the pain.

"ICEEEEE! BAKIT? ANG DAYA MO! ANG DAYA-DAYA MO!"

-

Author's Note:

Updated! Leave comments💔

PTBAN2:The King's Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now