Chapter 29

1.9K 69 2
                                    

Ice POV

*BOGSHHH*

Agad akong napatingin sa pintuan ng ER (Emergency Room). Dali-dali akong tumayo at lumapit sa doctor.

"Who is the relative of the patient?"

"Ako doc... I'm her husband" sagot ko. Agad siyang tumahimik at yumuko. ANONG IBIG SABIHIN NON?!  "A-anong nangyayari doc?" Tanong ko

"We have to monitor her until the beat of her heart is stable... But for now she is in critical condition... Let's pray for her" HINDI PWEDE! "Pwede niyo na siyang puntahan sa loob" sabi niya at umalis na. Napaluhod ako sa narinig. Umuwi na sila mama Liliane at mommy sa bahay. Muntik na kasing nahimatay si Tita Liliane sa narinig. Ayoko rin siyang magkaroon ng sakit kaya pinauwi ko muna sila ni mommy.

Unti-unti akong naglakad papasok. NATATAKOT AKO! NATATAKOT AKO NA MAKITA KO SIYANG NAKAHIGA AT MADAMING GALOS! ANG T*NGA KO! DAPAT HINDI NA LANG NANGYARI LAHAT NG ITO! Napahinto ako sa paglakad at napaiyak. D*MN! Nilakasan ko yung loob ko na lumapit sa kama niya. Madami siyang galos at pasa sa mukha, braso, at sa paa. Napapikit ako. I can't bear na makita ko siyang ganito. Maayos naman kami eh! Bakit biglang nagkaganito. Gumuguho yung mundo ko ngayon! Naniniwala akong lalaban siya at hindi niya ako iiwan. Umupo ako sa gilid ng kama niya at hinawakan yung kamay niya. Hinalikan ko yung kamay niya habang tumutulo yung luha ko.

"Gising na Wife... Nalulungkot na ako ng sobra" sabi ko at napasubsob yung mukha ko sa kama niya.

Sobrang dami ng apparatus na nakakabit sakanya. Hindi ko kayang makita siya na ganito ang itsura. Kapag malungkot nga siya hindi ko na kaya ngayon pa kaya? Ngayon pang nangyayari lahat ng ito?

"Please lumaban ka... Papasayahin pa kita at magdadate pa tayo... Iikutin pa natin ang buong mundo... Magsasaya pa tayo" sabi ko habang humahagulgol. Masyadong masakit! Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko!

Pero kailangan kong maging matatag para sakanya. Ginulo ko yung buhok ko at niyakap siya sa beywang. Hindi ako makatiis na hindi siya mahawakan at yakapin. Alam kong gigising siya. Hindi niya ako iiwan.

-

Nandito ako sa tabi ng kama niya. Nakatulalang pinagmamasdan siya na umaasang magigising siya.

"Excuse me sir... Ichecheck ko lang po yung pulse niya" sabi ng nurse. Hindi na lang ako sumagot. Wala ako sa mood. Chineck niya yung pulse ng asawa ko at napailing. "Sir... Ganoon pa rin po yung heart beat niya... Mahina" sabi niya at umalis na dala yung papel na hawak niya.

"Gising na..." Iyak ko

*BOGSHHHH*

"Anak!" Napalingon ako sa tumawag ng pangalan ko. Si mommy. Lumapit siya saakin at niyakap ako. Napahagulgol ako sa harap niya. Naramdaman kong pinunasan niya ako ng tissue sa mukha. "Anong sabi ng Doctor?" Tanong niya.

"Her heart beat is weak mom.... A-and.... A-and she's in the critical condition" iyak ko. Niyakap niya ako ng mahigpit.

"Let's pray for her anak... I know God will heal her.... Let's hope at huwag sumuko... Okay? You need to be strong... Ayaw pa naman ng asawa mo na makita kang miserable" sabi ni mom. Napatango ako. She's right. Inangat niya yung ulo ko at pinunasan yung luha ko.

"How about Tita Liliane... Is she okay?" Tanong ko

"Yes... Nagpapahinga siya ngayon... Nagpumilit nga siyang sumama... Pero baka kung mapaano siya kaya pinagpahinga ko muna siya... Tsaka bukas pupunta siya dito... She badly wants to see Janella" sabi niya at hinaplos yung buhok ko.

"Mom gusto kong magpainvestigate" sabi ko

"About what anak?" Tanong niya

"I clearly see na walang sasakyan noong gabing iyon... But later on may Truck na biglang sumulpot... And I'm pretty sure na hindi mabilis ang takbo ng kotse" sabi ko

"What do you mean?" Tanong niya

"Maybe someone plan this" sabi ko

"Okay ipapainvestigate ko" sabi niya. Biglang nagring yung phone niya. "I need to go anak... Eto dinalhan ko kayo ng fruits... Babalik din ako" she said and hug me. Lumapit si mom kay Janella at hinawakan yung kamay. "I miss you iha... Wake up na... My baby Ice is waiting for you" she said at ngumiti ng mapait. Naglakad na siya paalis ng room.

Kelan kaya siya magigising? Palagi na lang ba akong nahuhuli sa pagligtas sakanya. Hinawakan ko yung kamay niya at hinalikan ito.

"Gising na hindi ako susuko... Alam kong gigising ka" sabi ko at nakatulog na sa tabi niya.


-

Author's Note:

Don't forget to vote and leave comments here

PTBAN2:The King's Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon