Chapter 31

1.8K 54 9
                                    

Ice POV

Naapupo ako at napaiyak. Ayoko kahit kailan hindi ko siya isusuko. Masyadong masakit. Hindi ko kakayanin. Pag nawala siya, wala nang silbi yung buhay ko. Siya ang mundo ko, siya ang ilaw ko. Pag nawala siya, mawawala din ako. Ilang araw na. Ilang araw na siyang hindi gumigising. Kahit mahirap kakayanin ko para sakanya. Lahat gagawin ko, kahit buhay ko pa ang ibuwis ko. Pumasok yung doctor at chineck yung asawa ko. Napatingin siya saakin at napailing.

"Still no improvements sa katawan niya" sabi ni Dra.

"Doc..." Nanghihina kong tawag. Hindi ako makahinga ng maayos.

"I respect your decision Mr. Wu kung gusto mong nakakabit pa rin yung life support ng asawa niyo sir... Pagpapatuloy natin at maghihintay tayo ng miracle." Sabi ng Doctor

"Thank You Doc" sabi ko at umalis na siya.

Umupo ako sa upuan katabi ng kama niya. Hinawakan ko yung kamay niya at hinalikan ito. Hinayaan kong tumulo yung mga luha ko.

"Gising na Wife... Miss na miss na kita... Hindi ako makatulog sa gabi, hindi ako makakain, h-hindi ko alam gagawin ko... Hindi ko talaga alam... Wife naman please... Please... Gising na... Gagawin ko lahat pagkagising mo... Please lang gising na... Gising na... Huwag na huwag mo akong iiwan Wife" sabi ko at napaiyak. I can't bear the pain. Niyakap ko siya. Sa pagyakap ko unti-unti akong kumalma. Siya lang naman ang nakakapagpakalma saakin. Kahit tulog siya napapakalma niya pa rin ako. Look how great is my Wife? I'm so happy na siya ang minahal ko. Napapikit ako habang yakap ko siya. "Give me a sign Wife... Give me a sign... Para naman lumakas yung loob ko.. Please.. Give me a sign" iyak ko. Napahilig ako.


0_0


Namilog yung mata ko. Hindi to panaginip!!!! Nakita ko yung kamay niyang gumalaw. Napatingin ako sakanya. She's still unconcious. She hears me kahit na tulog siya. Niyakap ko siya. I'm not giving up... I'm not giving her up. Even the world face against us I won't give up.

"Aasa ako Wife... Hihintayin kita" sabi ko

-


Gabi na. Ako lang mag-isa sa room. Si mama Liliane ay umuwi dahil may inasikaso saglit. Si mommy naman ay dumalaw dito kanina at pumunta rin agad sa company. Niyakap ko siya at pumikit. Namimiss ko na talaga siya. Ngayon naglalambing ako sakaling maramdaman niya at gumising siya. Kumalas ako ng yakap at umupo ng maayos sa upuan habang pinagmamasdan siya. May nagbukas ng pinto kaya napatingin ako. Si Dra. Lumapit siya saakin at pinagmasdan yung monitor. Nanlaki yung mata niya. A-anong ibig niyang sabihin? May pinindot siyang button sa gilid at biglang nag-alarm yung kwarto. Pinump ni Doc yung chest niya. Anong nangyayari. Nagsipasukan yung mga nurse at lumapit sa kama ng asawa ko.

"Sir labas po muna kayo" sabi ng nurse.

"ANONG NANGYAYARI?! SABIHIN NIYO?!" Sigaw ko

"Sir... Labas muna po kayo.. Emergency!" Sabi ng nurse at inilabas ako sa kwarto. Pumasok siya at nilock yung pintuan.

"ANONG NANGYAYARI?! SABIHIN NIYO! DOC! ANONG NANGYAYARI?"sigaw ko at kinatok yung pintuan. In my peripheral vision ay nakita kong nagsitinginan yung mga tao. Kinalampag ko yung pintuan. Tang*na! Magwawala na ako dito! "SABIHIN NIYO!!!" Sigaw ko at mas kinalampag pa yung pintuan. Hindi ko makita yung asawa ko dahil natatakpan ng mga nurse. tang*na! ANO BA KASING NANGYAYARI?

Napatigil ako ng pagwawala ng makita ko yung bagay na nakapagpaguho ng mundo ko.


























































LINE sa MONITOR:

___________________





Napaluhod ako at nagsitulo lahat ng luha ko. Tang*na! Ang sakit! Sobra-sobra ang sakit! Bago ko makita yung line sa monitor ay nakita kong may tumulo na luha sa mata ng asawa ko.

Hindi siya tumupad sa pangako. Sa pangakong hindi niya ako iiwan. Bakit Wife ko! Bakit mo ako iniwan?! Tang*na! Ang sakit kasi! Ang sakit-sakit! Napapikit ako. Damang-dama ko yung hapdi at sakit na nasa puso ko ngayon.

"I'm sorry... Ang asawa niyo mismo ang sumuko" sabi ni Dra. at tinap yung balikat ko. Napasandal ako sa dingding at napapikit ng mariin. Ang sakit-sakit!

Wife ko! Bakit?

-

Author's Note:

Leave comments

PTBAN2:The King's Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now