Chapter 47

1.4K 37 4
                                    

Janella's POV

4 months Later......






Binitawan ko yung puting lobo. Pinagmasdan ko ito hanggang sa naging isang tuldok na lang ito.

"Kamusta ka na? Okay ka lang ba diyan?" Sabay iyak ko. Ang sakit sa damdamin. Halos mabaliw ako araw-araw. Basta may marinig akong tunog na kaparehas ng baril ay sobrang takot na takot ako.

*ARFFF*

Napalingon ako sa aso. Lumapit yung aso saakin at umupo sa tabi ko. Awww he's so cute. Nakita kong may collar siya na nakasabit yung pangalan niya.

"Dreamy?" Bigkas ko ng bigla siyang tumahol. Napangiti ako and brush my hand into his hair.

"Life is so unfair.... Bakit kaya ganoon?" biglang tumahol yung aso. "Masaya na kami eh... Bakit nahantong pa sa ganito? Ang sakit! Sobrang sakit...." Iyak ko. Totoo lang itong asong to ang nakausap ko ng matagalan.

"Okay na eh.... Okay na... Pero yung happiness na nararanasan ko noon kasama siya, ngayon hindi lang doble ang sakit" iyak ko. Lumapit saakin yung aso. Totoo nga. A dog is everymans bestfriend.

"Ang sakit isipin na wala ng pag-asa.... Eto na ba ang ending ko? Walang happy ending?" Iyak ko

"Eto nanaman ba ako palaging umaasa sa isang miracle na sana panaginip lang ito.... Na sana hindi na lang nangyari to.... Ayoko na dreamy.... Halos mamatay ako sa sakit pero lumalaban ako dahil sakanya..." Iyak ko ulit. Napahawak ako sa chest ko dahil sumasakit.

"Kulang na nga lang magpakamatay na ako sa sakit... Pero hindi ko yon magagawa.... Mahal ko ang buhay ko...." Nilapitan ako ng aso na para bang niyayakap niya ako.

"Minsan naisip kong maglet-go at isuko na siya pero I can't masyado ko siyang mahal dreamy... Hindi lang basta sa mahal.... Mahal na mahal" iyak ko.

"Dreamy?!!!" Napalingon ako sa sumigaw. May isang babaeng lumapit. Si Dreamy naman kumalas saakin at tumakbo palapit doon sa babae. Pamilyar siya.

"Aso niyo po ba to?" Tanong ko. Tuluyan ng makalapit saamin yung babae at nanlaki yung mata namin pareho.

"SHASHA?/ATE JANELLA?" Sabay naming sigaw.

"Kamusta ka na ate Janella? Nabalitaan ko yung nangyari? Huwag niyo pong sukuan si Kuya Ice" sabi niya.

"Mahal ko siya... Sobra-sobra... Hindi ko siya kayang sukuan" sabi ko. Nakita kong napaluha siya.

"Nandito lang ako ate ha? And also dreamy nandito lang kami para sayo" sabi niya

"Thank You Shasha at aalis muna ako may pupuntahan lang ako" sabi ko "Dreamy... Bye na" sabi ko at tumahol naman siya.

Napalingon ako sa puntod.

'Kung nasan ka man.... Salamat ulit sa lahat..... Lance'



-



Kahit natatakot ako kailangan ko pa ring maglakad papunta sa kanya. Sana ako na lang ang nandiyan. Sana hindi na lang siya. Napapahikbi ako habang papalapit ako sa isang kwarto. Hinawakan ko yung doorknob pero hindi ko naituloy buksan dahil natatakot ako.

Sabi ng Doctor saakin wala ng pag-asa. It's been four months at machine na lang ang nagpapabuhay sakanya. Hindi ako nawawalan ng pag-asa kasi hindi niya din ako sinukuan.

Napabuntong hininga ako at pinunasan yung luha ko. Pagkapihit ko ng pinto ay hindi ko napigilang lumuha.

Seeing him na madaming nakakabit na apparatus. I just can't... Ayoko siyang makita sa ganyang kalagayan. Lumapit ako sa kanya at hinawakan yung kamay niya.

"It's been four months Ice..... Four months na wala akong narinig galing sayo.... W-wala akong narinig na kahit anong kayabangan sayo.... W-wala akong n-narinig na kasweetan sayo... Wala a-akong narinig na I love You galing sayo... Nakakatampo na ha? Nasan ka na ba? Huwag mong kalimutan na m-may kasalanan ka pa kaya kailangan mong gumising......." Sunod-sunod ng tumulo yung luha ko.

"I Love You so much that I can't let go.... I'm still hoping na gigising ka pa.... Sila mama at Mom sumuko na sayo... Four months ka ba namang tulog....... Masyado ng mahaba yung tulog mo kaya gumising ka na.... May pangako ka at naniniwala pa rin akong gigising ka... Kaya please.... Please lang nakikiusap ako... Gumising ka na" hikbi ko at napaheadsdown.

"Miss na miss ko na ang Ice ko... Wala ng kukulit saakin araw-araw... Wala ng cheesy sa tabi ko.... Wala na yung tawag saakin ng tawag.... Miss na miss na kita.... Sobra pa sa sobra kaya please Ice.... Please lang gumising ka na.... Nandito lang ako naghihintay sayo...... Mahal na mahal kita" iyak ko at niyakap siya.

I just can't let him go.

-

Author's Note:

Leave comments! Updated💔

PTBAN2:The King's Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now