(net)

933 61 233
                                    

STILL NOT FINISH...



Campus King versus Campus Prince II...




HALOS malunod nang laway ang pisngi namin ni Two. Tuwang-tuwa kasi ang mommy niya sa surprise namin. Magmula sa pumalpak na pasta dahil na-overcook at sa cake na napakalayo sa edad niya ang disenyo.


"Kahit ganito ang presentation, gusto ko 'to girls dahil pinaghirapan niyo!"


Kagat labi kong pinapanood si Mommy Sonia, habang kinakain ang pasta. Nakakaawa siya! Gusto kong agawin sa kanya 'yon at itapon nalang. Kaso mukhang desidido itong ubusin.


Kasi naman bakit ba kasi nalakasan namin ang apoy, hindi ko iyon napansin binabasa ko kasi 'yung cook book samantalang si Two ay kaka-stalk sa event ni Caiden.


"Ang sarap!" puri pa niya. Tinabihan ko kaagad siya ng juice, panulak.


Hinanap nang paningin ko si Two. Nakita ko siyang nakasandal sa counter ng mini bar nila at tutok na tutok sa cellphone. Naningkit ang mata ko sa pagngiti niya. Huwag niyang sabihing ka-chat niya na si Caiden? Wow! She's quick.


Nilingon ako nito at nang mapansin na nakatingin ako sa kanya. Winagayway niya ang cellphone saka lumapit.


"Any news?" I asked her.


"Kailan kaya siya naging active sa facebook?" tanong niya habang aliw na aliw kaka-scroll. I smirk. Hindi nga ako nagkamali.


Tumikhim si Choppy, ang bunsong kapatid ni Two.


"Kayong dalawa ba talaga ang nagluto nito? Nakakaduda kasi." Halatang na offend si Two kaya binatukan niya ito. "You lil' kid, don't get confused. Busog ka nga, e, o!" Tinusok pa niya ang tiyan ni Chop.


"Don't touch me!"


"Chop, tinulungan kami ni Nanay Karen sa sauce," paliwanag ko na siyang nagpapalakpak kay Mommy Sonia. "What do you want girls? I like it very much, except with the overcook pasta. But I bet you can improve it next time."


Nagkatinginan kami ni Two at sabay na kinilig.


Ang totoo pinaghahandaan namin ang nalalapit na educational trip. Hindi kasi kami nakakasama dahil palaging natatapat sa fashion project ni Mommy Sonia. Part time model niya kasi kami. Kahit may pimples ako noon, nadadaan naman sa concealer. Lumala nga lang nitong bakasyon dahil talagang nagpupuyat ako at mahilig pumapak ng kahit anong peanut or junk food. Well, theory ni kuya iyon. Para sa akin normal naman ito sa mga youth na gaya ko. Idagdag pang-stress at pressure ako sa school.


"Mom wala namang project ngayong upcoming month right? Just in case na matapat. Pwede bang re-schedule mo 'yon kapag may event sa school?" maligalig na suhestiyon ni Two. Sinabayan ko siya habang kagat ang labi at magkadaop ang kamay.

Curious Där berättelser lever. Upptäck nu