열 (yeol)

814 40 150
                                    


I'm doomed...




Whisper C: Look at your right side.


I rolled my eyes. Ayoko nga!

Halos mapanganga ako dahil kusang lumingon ang paningin ko sa kanang bahagi. Oh, great! Traydor ang katawan ko at hindi sinusunod ang utos ng utak ko. And damn it, I literally dropped my jaw with his effortless charisma.

Kalmante lang siya sa pagkaka-upo at messy ang buhok na para bang kakaahon lang sa kama. Nakasuot ito ng black ripped sided sando at ripped faded jeans. Gumapang ang paningin ko sa hiwa ng suot niyang pang-itaas. Abot kasi iyon sa dulong ilalim, tipong may gustong magpakita pero hindi iyon mailantad dahil sa pagkakaupo niya.

And I hate to admit it, he's just sitting there doing nothing and I find it sexually alluring and intimidating.

May inusog itong juice sa harap niya matapos ay kinuha ang cellphone.

Umiwas ako nang tingin upang tawagin ang waiter. Nag-order ako ng kaparehas na inumin kanina.  Then again my cellphone vibrates.

Whisper C: Iyang iniinom mo, ilan nang ganyan ang nainom mo?

Heck!?

Sa irita ko ay nilingon ko siya. Halos mapaiktad ako noong hubarin niya ang sando matapos ay umalis sa puwesto. 


Muli kong sinilip ang cellphone at nakita ang bago niyang message.


Whisper C: I can't stay in one place. Take the juice and stay where you at, you'll probably puke with that damn beverage. Please, Angelika De Guzman Shin suotin mo ang sando ko. Who the hell told you to wear that shitty shirt? You really have no idea how much I want to cover you or this is your plan to get me naked?


Halos mag-init ang pisngi ko at the same time umiinit ang ulo ko. Hindi ko alam kung paano napagsama ang dalawang emosyon na 'yan sa akin, pero kasi ginawa niya iyon para sa akin? Hell, what? Plano kong maghubad siya? 


Ang bigat ng mga hakbang ko noong lumipat ako ng puwesto para makuha ang juice at sando niya. How ironic that I don't want this but ended up wearing it. Sinira ko na nang sagad ang dulo at tinali iyon. Ngayon mukhang na akong naka-dress, kaso may disenyo sa gilid at kita ang pangloob ko.



Hindi ko na rin ininom 'yung binigay ng waiter, bagkus ay sinawa ang panglasa sa orange juice na binigay niya. Very hilarious right?


Umikot ako at pinanood ang mga nagsasayawan sa dance floor. Hindi pa binubuksan 'yung sprinkle at hindi pa nagbabalik si Two at Johnny. I was alone here and puzzled. Naiirita ako sa kanya pero hinihintay ko ang kasunod niyang message. Sucks!


Medyo naaasiwa ako dahil naaamoy ko ang pabango niya sa suot ko. Pakiwari ko tuloy kasama ko siya ngayon. 

Sa gitna nang struggle ko ay naagaw ng pansin ko ang pagtayo ng ilan sa kanilang mga table. Naalarma sila sa pagsirit ng tubig sa sprinkle. Lumakas lalo ang musika, kaya dinig na dinig iyon sa buong paligid.



Luminga ako at pinanood ang ilang nawawala na sa sarili, dahil sa nakakaganang musika at espirito ng alak. 


Curious Where stories live. Discover now