스물 여덟 (seumul yeodeolb)

523 20 53
                                        



 Sa wakas nagkaroon din ng time na ma-update ito.  May umaabang pa ba ng story na ito? Iparamdam niyo nga through vote, XD Anyway, mag-iiba ako ng POV sa parteng ito. TPP Omniscient. Gusto ko kasing mabigyang equality ang scenario ni Caiden at Johnny. Let me hear your feedback. Warning, grammar errors ahead XD


Yours truly, Dcmuch :)



Maybe you're right...


"Umalis ako para bigyan kayo ng laya ni Chloe pero.... Tang inang! Hanggang kailan mo itatago ang lahat ng 'to kay Angel?" Nagtatangis ang mga bagang ni Johnny habang hawak ang kuwelyo ni Caiden. Aambahan niya sana ito nang suntok, kaso may parte sa loob niyang kapag ginawa niya iyon ay tiyak magagalit at masasaktan si Angel.

"Pagod na akong magbulag-bulagan. Minsan na akong nasaktan at nagparaya, hindi ako papayag na pati si Angel..." Huminto ito at pumikit. Naalala kasi niya kung paano ngumiti si Angel sa harap ni Caiden. Iyon ang isa sa mga kinakatakot niya noon. At dumating na nga ang oras na iyon. "Sa puntong ito, ipaglalaban ko siya sa'yo." Binitawan niya si Caiden matapos ay tumalikod habang nakakuyom ang mga kamao.

"Gusto ko namang maging masaya. Ayoko nang maging tanga!" bulong niya.

"I don't have any relationship with Chloe!"

Dahil sa narinig muling sumiklab ang galit sa dibdib ni Johnny, dahilan para masuntok niya ito sa panga. "Anong sinabi mo?"

Halos isumpa niya mula sa paninitig si Caiden habang pigil-pigil ang sariling muli itong masuntok.

"Nagparaya ka para maging masaya kami? Why Johnny? Do I'm looked like happy when you leave?" Nanghihina itong tumayo nang hindi inaalis ang paningin sa kanya. "I adored you back then... dahil mas matured ka mag-isip, kaya mong gawin ang lahat ng bagay." Dumura ito sa gilid matapos ay pinahid ang galos sa gilid ng labi. "I was wrong. Noong umalis ka, karuwagan 'yon. Nagpasya ka sa sarili mo at hinayaan mong lamunin ng isip mo ang maling katotohanan."

Inilang hakbang niya ang distansiya nila ni Caiden at agad na kinuwelyuhan. "Wala kang karapatang sabihin 'yan dahil hindi mo alam ang pakiramdam ng hindi mahalin ng taong gusto mo."

"Matagal ko nang gustong itanong sa'yo 'to."

Kumunot ang noo niya sa sinabi ni Caiden.

"Kahit minsan ba, itinuring mo akong kaibigan?" Umubo ito dahil sa higpit ng pananakal niya at nang mahimasmasan ay tumingin ito sa kanya. "You've changed a lot, John-John."

Dahil sa tinawag sa kanya nito ay humigpit lalo ang hawak niya rito. "Huwag mong ibahin ang usapan. Caiden, huwag mo nang ulitin ang nakaraan. Huwag mong ulitin ang lahat ng ito kay Angel. Dahil kung noon nagparaya ako, ngayon hindi ko na 'yon pahihintulutan. Gusto ko si Angel."


HE KNEW IT. Kaya nga na curious siya kay Angel ay dahil kay Johnny. Noong una ay nagalit pa nga siya kay Angel, dahil maraming ugali ni Johnny ang nabago. Kaya nga naisip niyang subaybayan ito. Until he realized she's not the reason. Johnny changed himself because it is what he wants. And then he accidentally discovered Angel's side and fell in love with her without thinking everything might happen again.

"I know!" he whispered. "At ganoon din siya sa'yo."

He coughed when Johnny loosens his grip. Umatras din siya para bigyan ng hangin ang sarili.

Curious Where stories live. Discover now