삼십일 (samsib-il)

475 20 10
                                    

Authors Note:  Good evening. It was now back to Angel's POV. Past Pacing tayo, huh! Pero 'yung sa pagkanta ni Angel pa-play nalang po ng music para mas feel. ^_^ 

Dcmuch 💋

I think Caiden will propose to you tonight...

AMOY agad ng isang tipikal na office ang bumalot sa ilong ko, habang seryosong pinapanood ang paggalaw ng papel. Doon kasi nakatutok 'yung hangin na lumalabas sa aircon.

"Angelika Shin at Caiden Kim, hindi ba't oras ng klase? Anong ginagawa niyo sa pasilyo?"

Pinili kong tumingin sa mukha ni Carabelle kaysa unawain ang sinabi ng aming Principal. Magulo ang buhok nito, tanggal ang isang butones at puro kalmot ang mukha.

Sa gigil ba naman ni Two kanina, nakatitiyak akong mangyayari nga iyan lahat sa kanya. Pero may duda akong hindi totoo 'yung kalmot. Imposible!

Si Two na parang lalaki, mangangalmot? Saglit ko siyang sinulyapan na nasa kanang upuan ni Carabelle. She looks perfectly fine and innocent. Nakapaghahalata na wala sa kalingkingan niya si Carabelle kung pakikipagbasag-ulo ang pag-uusapa .

"Ito na po ang una't huli, ma'am. We apologize."

Tinapunan ko nang tingin si Caiden, bago tumingin sa aming Principal na si Mrs. Toledo. Nakatingin siya kay Carabelle kaya hindi niya na pinansin ang sinabi ni Caiden.

"Kayo naman Juanita Galvez at Carabelle Cruz, kilala ko kayong mababait at masunurin. Pero bakit naabutan namin kayong nag-aaway sa roof deck."

"Siya, ma'am. Nauna siyang sumugod at tinulak ako!" Sabad ni Carabelle habang dinuduro si Two. "Kahit tanungin niyo pa po si Angel at Caiden."

Walang umimik sa amin ni Caiden. Nanatili akong nakatingin sa ibaba, dahil guilty sa pagpapahintulot ng ginawa ni Two.

"Ma'am, aaminin ko po. Ako ang nauna, pero ma'am kasi may gusto lang akong patunayan kaya ko ginawa 'yon." Paliwanag ni Two, may kinukuha ito sa loob ng bag niya.

"Patunayan? Bakit? Hindi naman kita inaano, Galvez!"0

"Sa akin wala pero kay Caiden at Angel, maniwala ka. Mayroon." Pinanlisikan ni Two nang tingin ito bago pindutin ang kung ano sa cellphone niya. "Makinig kang maigi. I'm sure, kilalang-kilala mo ang boses mo."

Kaluskos ang lumamon ng aming katahimikan bago umere ang boses ni Two sa kanyang ni-record. "Umamin ka na, Carabelle. Ikaw 'yon. Ikaw 'yung naglagay ng droga sa binti ni Angel, noong araw na mabugbog si Caiden!"

Ang pagtawa ni Carabelle sa record, ang nagpaabante sa kanya para subukang agawin ang cellphone kay Two. "Block mail 'yan, ma'am. Tiyak nagpatulong ka kay Devon. Hacker si Devon at Knitted, kayang-kaya nilang dayain ang boses ko."

"Nasisiraan ka na yata talaga, Carabelle! Anong kinalaman ng kuya ko sa record?" Napatayo na ako sa sobrang gigil. Ang kapal niyang idamay ang nananahimik kong kapatid. Sino siya para pag-aksayahang gawan ng ganoon?

Napasuklay ako ng buhok sa sobrang pagtitimpi.

"Hoy, Angel. Kung alam ko lang, inutusan mo si Galvez na gawin sa akin 'to. Ang kapal mo rin magpanggap na mabait."

"Oo, ako nga. Kahit aminin ko, wala ka namang pruweba. Wala kang pruweba, Galvez."

Sabay-sabay kaming napalingon sa cellphone na hawak ni Two. Hindi ako puwedeng magkamali. Boses ni Carabelle 'yon. Inamin niya. Inaamin niyang siya ang naglagay ng droga.

"Hindi ako 'yan... Hindi. Hindi." Bulong ni Carabelle sa pagkabigla. Iiling-iling, tulala at biglang napa-upo ito sa upuan.

"Ma'am, kanina ko po ni-record 'yan. May time po iyan. Makikita kung anong date na-record at anong oras." Ibinigay ni Two, ang cellphone niya kay Mrs. Toledo. "Willing po ako sa punishment na ibibigay niyo basta paki-secure lang po na makukulong ang babaeng 'yan."

Curious Where stories live. Discover now