Guys, pa-remove at add nalang ulit po ng Curious sa library niyo.
Kasalukuyan kasi akong nag-eedit, baka hindi siya mag-update sa inyo. Shukran!
Happ holiday everyone!
dcmuch :)
Fuck those lips, they're teasing me...
"Kuya sasama ako sa gym."
Seryoso niyang minani-obra ang manibela na parang hindi narinig ang sinabi ko. Pagod ba siya? Hindi ba siya ro'n didiretso? "Kuya-"
"Bawal tambay do'n." putol niya sa akin.
Nakangiwi akong humarap sa kanya. "Seriously? Tambay?" I sniggered. "...Gym ang sabi ko kuya hindi library. Anong gagawin ko sa mga nagkalat na abs doon? Formula ba 'yon sa new lesson namin sa math?" I roll my eyes and sit properly. Mainit na hangin ang binuga ko sa ilong. "Plano kong mag-inquire sa gusto kong paliitin." Halos pabulong kong banggit kaya nilingon niya ako, "Paliitin?"
He quickly scan me, "Where? Wala namang malaki sa'yo."
Aba't...
I pinched my nose. "I appreciate that, thank you, dear brother."
Matamlay akong sumandal sa upuan. Masama bang paliitin ang malaki ko raw na hita? Nasaktan kaya ako sa sinabi ni Carabelle. Gusto ko siyang ihampas sa sinasabi niyang malaki kong hita.
Napatingala ako habang nakapikit. Umiinit na naman ang ulo ko kapag naaalala ko ang itsura niya.
Bahagya akong napakapit sa upuan noong mag-u turn siya.
"Saan tayo pupunta?" tanong ko habang pinapanood siya. "Sa Gymstro. Doon na tayo didiretso." Sinulyapan niya ako, "Hindi ba masama pa pakiramdam mo?"
Nakagat ko ang labi habang minamasdan ang seryoso niyang mata, "Tulog lang katapat ng sakit ko kuya. Don't worry! Saglit lang din ako ro'n. Kailangan kong mag-advance sa math dahil medyo hirap ako ro'n."
Hindi na siya nagsalita ulit hanggang makarating kami. Parang buntot niya akong nakasunod lang sa kanya.
"Girlfriend mo Dev?" bungad noong lalaki na may kasama pang gaya rin niyang parang bouncer. Umiwas ako nang tingin dahil natakot ako sa namumutok nitong muscle. Parang bigla akong natakot maging gano'n ang katawan ni kuya.
"Utol ko," dinig kong sagot ni kuya.
"Kuya?" Hinanap ko si kuyang bigla nalang nawala sa likod ko. Nakalapit na pala siya sa reception.
Nakayuko akong lumapit doon. He handed me the form. "Magpapalit lang ako. Wait me here." Tumango ako siyang alis niya. Tahimik akong nag-fill up nang matapos ay inabot na sa babae.
Nilingid ko ang paningin sa paligid. Bumungad sa akin ang nakahilerang treadmill at stationery bike. Bigla tuloy akong na excite. Napahipo ako sa batok noong bigla iyong magtindigan. Parang may kung ano sa likuran.
"O kitams siya nga." Napaharap ako sa pinanggalingan ng boses. Teka, anong ginagawa ng mga kaibigan ni Caiden dito? Napuna ko ang mga suot nila at bag na dala. Mukhang maggi-gym sila ngayon. "Sinong kasama mo Anj?" tanong sa akin nitong may cute na dimple.
Tinitigan ko sila isa-isa. "Dito talaga kayo naggi-gym?" tanong ko nang hindi sinasagot ang tanong niya. Ngumiti siya at lumapit para silipin ako sa mata, "May hinahanap ka?" Umatras ako habang umiiling. Obvious ba ako?
ESTÁS LEYENDO
Curious
Novela JuvenilIt was just a normal day of summer when Angelika discovered an interesting quote from Facebook. Shared, liked, and commended by a lot of people, a strange whisper pulled her to check the person who posted it. Whisper C - an elusive, handsome on...
