MT 4

7.9K 150 5
                                    

Jannick's POV

Napamulat ako ng mag ring ang alarm clock. Inabot ko naman iyon kahit naka pikit pa ako. "Tss. Asan na ba?" inis na tanong ko sa sarili at hindi pa binubuksan ang mga mata. Kinapkap ko ng kinapkap ang side table. "Bwisit! Ang ingay." sabi ko at kinapkap ko ulit ang alarm clock. Then, got 'ya! Pinatigil ko naman iyon at dinilat ko ang mga mata ko. "4 am?" basa ko sa oras. "Not bad." sabi ko, dahil maaga pa naman.

Tumayo na ako at tinignan ko ang sarili ko sa salamin. "Bakit ang pogi mo?" walang emosyong sabi ko sa sarili ko. Tss. Feel na feel ang wala!

Pumasok ako sa walk-in closet ko at kinuha ang uniform na susuotin ko.

Pasukan na naman.

Matapos kong ilagay sa kama ang susuotin ko ay pumasok na ako sa banyo para maligo.




















"Morning." bati ko kay Jaquela at ginulo ang buhok. Kakababa ko lang at pwede na akong umalis pero syempre kakain muna ako.

Umupo ako katapat ni Jaquela. "Hi." bati niya at kumain.

Kumuha na rin ako ng aking makakain. "You look tired." sabi niya.

Napatingin ako sa kaharap ko. "Just a little bit," sagot ko. "Nakakapagod dahil alam mo na..." pabitin ko.

"Yeah. Galing tayo sa Tagaytay." sagot niya.

Tumahimik na ako at kumain na lang.

Kaming dal'wa lang ang andito sa bahay pero kasama rin namin ang mga maids at driver namin.

"I'm done." sabat ni Jaquela. Nakita ko siyang nakatayo na at pinapagpagan ang uniform niya. "Aantayin ba kita?" tanong niya ng humarap sa'kin.

"Yeah. Wait for me." sabi ko.

Tumango siya. Ang kulit na bata. "Then... I will wait you at the living room." sabi niya at naglakad.

Hindi ko na siya pinansin at ang sinabi niya at pinag patuloy ko pa ang pagkain.

Nang matapos ko ay pumunta ako sa sink at kinuha ang toothbrush.

"Nick." nagulat ako sa nagsalita. Si Manang Beth.

Nilingon ko iyon, "Hmm?" sabi ko dahil hindi ako makapag salita. Dahil nagsisipilyo ako.

Lumapit siya sa'kin, "May nakita kasi akong box doon sa harap ng gate," sabi niya at tinaas ang box na pink. "Eh, wala namang tao nung lumabas ako. Totoo niyan nagtapon lang ako ng basurahan sa labas kaya nakita ko 'tong box sa harap ng bahay." paliwanag niya.

Tinapos ko na ang pagtooth brush ko at nag punas. "Sige lagay mo na lang diyan sa living room." sabi ko at nilagpasan siya.

Pinadalhan na ata siya.

Tumaas ako at nilagpasan ang living area. "Ano 'to?" rinig kong tanong ni Jaquela.

Hindi ko na sila pinansin pa at nag patuloy lang sa pag akyat. Pumasok ako sa kwarto ko at kinuha ang bag ko, at sinarado ang pinto.

"Matagal ka pa ba diyan? I'm getting late." salubong sa'kin ni Jaquela ng makababa. "From Mom." sabi niya at tinaas ang pink na box.

Ah kay Jaquey.

Tumango lang ako, "Let's go." sabi ko na lang at nag dire-diretso sa paglalakad palabas ng bahay.

"Yaya Beth! Pakilagay po yung box sa kwarto ko!" sigaw niya at naririnig ko na lang na tumatakbo na siya palapit sa'kin.

𝐌𝐲𝐬𝐭𝐞𝐫𝐢𝐨𝐮𝐬 𝐓𝐫𝐚𝐧𝐬𝐟𝐞𝐫𝐞𝐞 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon