MT 40

1.8K 40 0
                                    

Jannick's POV

Kita ko sa mga mata ni Clifton ang pagkagulat.

Sino ba kasi ang katawagan niya?'

Pinagmasdan ko siya simula ng tumawag 'yon. Tsk. Naisip ko na naman ang nangyare kanina. Kitang kita ko kung paano sila magkwentuhan sa garden na 'yon, siguro hindi nila kami napansin kanina.

Ilang linggo na rin ng hindi sila pumasok, hindi nagpakita... pero ngayon, andito sila pero hindi naman pumasok.

Cutting class.

Talagang kinareer na nila ang pagiging cutting class student kuno ha.

"Ha-ha?! Nga-ngayon na?" napalingon ako sa nagsalita, ang katabi ko.

Tutok lang siya sa isang lugar at may kausap. Kita ko na hindi siya kumportable sa kausap niya.

"Pero nasa klase— Oo nasa canteen ako pero ayokong makipa— I know." saad niya.

Lumingon na lang ako sa counter kung saan si Kraven na ang bumibili. "Ayoko! Bahala ka dyan!" sigaw niya pa. Lumingon naman ako sa maingay.

"Ang ingay mo." saad ko ng magtama ang paningin namin.

Bumuntong hininga siya. "Damn, kakausapin ako ni Ate, at gusto niya akong ipag ditch class." sabi niya pa.

Ngumisi ako. "What a nice sister." asik ko.

"Really nice sister." sarkasmong asik niya

Napakalaking tanga naman ni Ate Clisha, pagdi-ditch class-in ba naman ang kapatid niya. "Silly." 'yon lang ang nasabi ko at saktong dumating si Kraven.

"Problema mo Clifton?" tanong ni Kraven habag nilalapag ang pagkain.

"Bukod sa mukha kong gwapo? Wala na." sabat ni Clifton.

"Shut up." biglang asik ni Kraven.

Woah.











"Tama ba ang ginagawa natin?" tanong ni Kraven habang tuloy tuloy pa rin kami sa paglalakad. "Lagot tayo sa teacher natin neto, pang ilang ditch class na ba natin 'to?" tanong niya.

Hindi ako umimik at tinuon ang pansin sa naglalakad na si Clifton. Hindi ko alam na papunta na pala siya sa loob ng KAS Villa.

Demmit! Makikita pa ko ng kapitbahay!

Pero wala na akong ginawa kundi pumasok na sa gate at kasama ang nagmamaktol na si Kraven.

"Nasa KAS Villa na tayo eh." sabi niya habang tumatakbo kami.

"I know." usad ko.

Kita kong pumasok si Clifton sa café at umupo... umupo sa tabi ni—"O si Ate Clisha." banat ni Kraven.

Ngumisi ako, "I know." unas ko. Dahil siya naman talaga ang katawagan ni Clifton.

Dahan dahan kaming pumasok at nakisabay sa mga civilian. "Buti nalang talaga may dala tayong damit." saad pa ng nasa likuran ko.

"Shut your mouth Kian." saad ko gamit ang apelyido niya.

"Sabi ko nga." sabat niya.

Nang nakapasok kami sa café ay umupo kami kung saan malapit sa kanila, "So you mean nakapasok kayo sa isang hideout." rinig kong bulong ni Ate Clisha.

"Yeah." sagot nito.

"Para tayong spy nito." saad ng katabi ko.

"Sabi ng 'wag kang maingay." asik ko dahil baka mahuli kami nito.

𝐌𝐲𝐬𝐭𝐞𝐫𝐢𝐨𝐮𝐬 𝐓𝐫𝐚𝐧𝐬𝐟𝐞𝐫𝐞𝐞 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon