MT 50

1.7K 38 3
                                    

Karaleigh's POV

Umupo ako sa couch habang siya malayo ang distansya.

Paano ko sisimulan ang sikreto ko sa kanya? Ganun ganun na lang ba 'yun? May mga kondisyon siyang gusto, at gugustuhin niyang malaman.

Alam na naman nila ang sikreto naming tatlo. Ano pang gusto niyang malaman?

Hindi ko pwedeng sabihin.

"Alam mo kung bakit ganun ang pag kausap ko sa guro na 'yon?" panimula niya.

Lumunok na lang ako at tumingin sa kanya. "Hindi ko alam." agarang sagot ko.

"Lintek!" anas niya.

Ngumisi ako. "Bakit? May masama ba sa sinabi ko?" tanong ko sa kaniya.

"Tsk. Ganun ako makipag kausap sa kanya dahil," sabi niya at pumikit.

Ano? Dahil siya ang boyfriend ni Rayven?

Tinaasan ko siya ng kanang kilay. "Ano?" maangas na tanong ko.

"Dahil," sabi niya at napakamot na lang sa ulo niya. "Dahil siya 'yung—"

"Woy! Hindi ba kayo magpapahinga?!" lumingon ako sa nag salita.

"Naka upo nga diba?" tanong ko naman.

"Alam kong nakaupo kayo, I mean matulog ganun." anas niya.

"Tsk." asik ni Jannick.

"Hala, sige na matulog na kayo." anas ni Clifton

Napabuntong hininga ako.

Paano niya masasabi sa'kin 'yun?!

"Anong pangalan niya Jannick?" tanong ko sa kabila ng andito pa si Clifton.

"Hindi mo na ko kilala? Ako si Poging Clifton."

"Shut up." mataray na saad ko at tinignan si Jannick.

"He's name is Vizier Luthor." sabi naman niya habang nakatingin kay Clifton.

"Hoy 'yung si —"

"Shut the fuck up!"

"Itatahi ko 'yang bunganga mo Aze."

"Si-sige na, tsk. Dito na nga ako." sabat niya at umalis.

Inayos ko ang upo ko, ito na ang tunay na simula ng kwento.

"Anong meron kay Mr. Luthor?" tanong ko.

Masyado kasing naging seryoso ang mukha niya kapag tungkol sa lalaking 'yon.

Tumikhim siya at tinignan ako. "Si Vizier ang taong—"

"Minahal mo?"

"What the fuck Little Girl! Hindi!"

"Little girl your face!"

"Pfft. Siya 'yung sumira ng buhay niya." sabi niya habang nakatingin pa rin sa'kin.

Nag iwas ako ng tingin dahil baka matunaw ako sa mga titig ng lalaking kaharap ko. Matik na! Ma hypnotize pa ako. Hahahahaha.

Bumuntong hininga ako. "Si RayVen ba?" tanong ko.

"Huh? Anong— Ah hindi sa kanya." sagot naman niya.

Muli ko siyang tinignan. "Kanino?" tanong ko.

" 'Wag ka na kasing mag salita." anas niya.

𝐌𝐲𝐬𝐭𝐞𝐫𝐢𝐨𝐮𝐬 𝐓𝐫𝐚𝐧𝐬𝐟𝐞𝐫𝐞𝐞 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon