MT 57

1.4K 29 0
                                    

Jannick's POV

Tinignan ko ang gate na pinasukan ng sasakyan. Malaki at medyo may kalayuan ang lugar na ito mula sa café kanina.

Tsk. Kung hindi ko pinagtagpo, di ko malalaman.

Nakasakay kami sa isang van kung saan tinted ang bawat salamin na pinagmamaneho ni Fort.

"So senet up mo kami Nick?" nilingon ko si Jaquey ng tanungin niya iyon.

Tahimik akong tinignan siyang nakadungaw sa'kin. "Hindi pa ba obvious Jaq? Your brother wants to find the truth." asik ni Ate Clisha.

"Truth about your organization..." sagot ko.

Gusto kong malaman lahat. Gusto kong malaman kung bakit kami nakapunta sa secret hideout na sinasabi ni Dexie at kung paano nalaman ni Ate Clisha ang tungkol dun. Gusto kong malaman dahil minsan na akong naging sangkot don.

"Wala kaming oraganization Nick."

"Wala? Oh come on Jaq, you don't need to hide it from me." inis na sagot ko.

Bakit kailangan niya pang itago 'yun sa'kin?! Fuck it!

"Wala naman talaga kaming organisasyon Jannick boy."

Sinamaan ko ng tingin ang nagsalita nun, si Hachi.

" 'Wag niyo kong paikutin, masasapak kita ng wala sa oras." banta ko.

"Woah. Chill pre." asik pa ni Garrett.

"Bakit niyo pa kasi kailangang itago kung malalaman niya rin naman ang totoo?"

Napalingon ako, ganun din ang lahat ng magsalita si Fort.

"Fort!" sigaw ni Jaquey.

"It is not the right tim—"

"Then when Ate Clisha?! Kung kailan may mapapahamak na sa'min?!" tanong ko.

"We're here."

Tumigil ang van at sabay ng pagbukas ng sasakyan. Iniwasan nila ang sinasabi ko. Bumaba ang lahat, ganoon din ako. Napalibot ako sa lugar kung saan isang malaking bahay ang nasa harapan namin pero maraming taong nasa paligid.

Naka ninja outfit.

Kasama ba sa kanila sila Karaleigh?

"Pre, 'wag kang mamangha. Hindi bagay sa'yo." inis akong tumingin sa tumapik sa'kin. Si Hachi.

Naglakad siya kaya ganun din ako. Nauuna sila Ate Clisha at Jaqeuy habang ang tatlo naman ay nakasunod sa kanila.

Malaki ang bahay at mukhang mamahalin pa ang mga ginamit na pang ayos dito.

Napatigil ako ng may humarang sa'kin. Malaki ang katawan at talaga nga namang parang isasabak sa boxing.

Pucha!

"Sorry pero hindi maari—"

"Kapatid ko siya."

Ramdam ko ang awtoridad ng sabihin iyon ni Jaquey. Tumango lang ang lalaking 'yun at tinanggal ang pagkakaharang sa'kin.

Wala pa ring tatalo sa utos ni Karaleigh.

Pagkapasok ko pa lang sa mansyon na 'yun ay bumungad sa'kin ang isang napakalaking painting.

Puta! May kamukha!

"Nick!"

Nilingon ko ang tumawag sa'kin. Kita ko sila Ate Clisha na nakasakay na sa elevator ganun din sila Fort.

𝐌𝐲𝐬𝐭𝐞𝐫𝐢𝐨𝐮𝐬 𝐓𝐫𝐚𝐧𝐬𝐟𝐞𝐫𝐞𝐞 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon