MT 60

460 16 0
                                    

Jannick's POV

Gumising ako dahil sa alarm clock na sinet ko. Naligo ako at nagtoothbrush at nagbihis na para pumasok.

Bumababa ako at nakita ko sila Jaquey at Jaquela sa sala. "Oh gising ka na pala Nick. Inaantay ka talaga namin." sabat niya at nakatingin sa'kin.

Wala akong nagawa kundi ang magdire-diretso sa kitchen. Nakita ko ang mga kasambahay namin na nag aasikaso. "Asan si Mom?" tanong ko ng hindi makiita si Mom. Madalas ay nauuna siya sa'min dito at nag aasikaso at nakakapagtakang wala siya dito.

"Umalis ho Sir," sabat niya at naglatag ng plato. "Maagang po siyang umalis dahil kukuhain daw po niya ang inorder niya."

Tumango na lang ako. Kasabay ang baling sa taong papunta dito. "Hindi ba na sabi sa'yo ni Mom? Kukuhain niya na rin ang damit na gagamitin natin." usal niya at umupo katapat ko. "Sit na, 'nak." sabat na naman niya at bumaling sa anak.

"Am I invited too?" tanong ni Jaquela.

"Ofcourse, baby." sagot ni Jaquey sa kanya habang linalagyan ng kanin ang plato niya.

Bakit feeling ko nasa ibang grupo 'tong sila Jaquey.

"Oh Nick, kumain ka na." sabat niya pa.

Ganun na lang ang pagkuha ko ng kanin at naglagay sa plato ko. "Do you have a partner for the party, Nick?" tanong niya sa'kin.

H-hindi ko alam na kailangan pala ng ganun.

Umiling ako at kumuha ng ulam. "Kasama rin pala sa party si Vin." sabi niya pa habang nag hahati ng ulam ni Jaquela. "I request na siya na lang ang partne—"

"I don't need a partner." sagot ko at uminom ng tubig.

"Okay, as you said so." usal niya pa.

"How about me mom? Who is my partner?" inosenteng tanong ni Jaquela.

"Excuse me..." sabat ko at tumayo. Wala akong ganang kumain dahil sa pagtataka ko kay Jaquey. Ayokong ipahalata sa kanya ang mga narinig ko kagabi.

Umakyat ako ng kwarto ko at tinignan ang cellphone na naka charge. May isang text dahilan para magulat ako sa nabasa ko.

From: Kraven,

Dre, patay na si Azuka.

Damn.

P-parang kagabi lang kausap siya ni Jaquey. Nasa bahay pa namin siya kahapon. A-anong nangyare?

Muling nagvibrate ang phone ko at binasa ang hindi kilala na number.

From: +639*********

Trust.

Kunot noo ko iyong dinelete. Na wrong send siguro siya.

Tinawagan ko si Kraven dahil sa tinext niya sa'kin.

"Gago, h'wag kang magbiro ng ganyan."

[Hindi ako nagbibiro Nick. Seryoso 'yan.]  sabat pa niya sa kabilang linya.

Binitawan ko ang cellphone ko at inayos ang suot kong uniform. "Anong dahilan?" tanong ko. Nakakapagtaka naman talaga. Madaling araw narito siya, tapos ngayon?

𝐌𝐲𝐬𝐭𝐞𝐫𝐢𝐨𝐮𝐬 𝐓𝐫𝐚𝐧𝐬𝐟𝐞𝐫𝐞𝐞 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon