MT 16

3.8K 81 0
                                    

Karaleigh's POV

Andito kami sa faculty building. Kasama siya. "Grabe ang tagal naman." maktol ng kasama ko.

Liningon ko siya. "Mag antay ka nga d'yan." sabat ko at umupo na lang sa bench sa labas ng office.

Tumabi siya sa'kin. "Kung hindi kita tawagan, hindi mo ko pupuntahan." maktol niya. 'Yan nagsisimula na siya.

Sinamaan ko lang siya ng tingin. " 'Wag mo nga akong artehan d'yan, hindi ka babae." protesta ko.

Napanguso siya. "Asus! Ano sasabihan mo na naman akong bakla?" nakataas kilay niyang tanong.

Napangiti ako umiling. "Bakla talaga." sabat ko habang tumatawa.

Gumalaw naman siyang pang bakla. Loko loko. Pfft. "I'm not gay babe." maarteng sabi niya.

Aba! "Umayos ka nga Fort Balfour." saad ko. Tinanggal niya ang salamin ko. "Hoy! Akin na! Leche ka! May makakita sa'kin dito." sabi ko sabay tayo at ginala ang paningin habang kinukuha sa kanya.

Napadako ang tingin ko sa isang building malapit dito. Tama ba ang nakita ko? Parang may tao.

"Oh!" singhal niya at sinuot sa'kin ang salamin. Tumingin naman ako kay Fort, at hindi na pinansin pa iyon. "Bakit kasi kailangan niyo mag ganyan?" tanong niya.

Bumalik ako at umupo ulit. "Aba pauso 'to ng dalawa. Lupit ng mga 'yon pumasok ba naman ng mga naka style na ganun." maktol ko.

Actually hi— "Pero sinunod mo rin sila." sabi niya at ginulo ang buhok ko.

Tinapik ko iyon. "Epal ka talaga, syempre wala na akong magagawa na tripan ko rin eh." sabi ko. Feel ko talaga may naka tingin samin... sa'kin.

Umayos ng upo si Fort, "Feel strange?" tanong niya sa'kin.

Ngumiti ako. "Yeah." sagot ko, dahil sigurado na akong may nagmamanman sa'min.

"Guy at the building, nagtatago sa pader." sabi niya habang may hawak na cellphone.

"Oo kanina pa." sagot ko at hindi na tumingin, dahil kilala ko na siya.

Bumukas ang isang office, office ng dean. "Samahan mo 'ko." sabi niya habang tinutulak ako.

Wala na akong nagawa dahil sa kabaklaan ng lalaking 'to. "Parang akala mo naman may kakain sa'yo dito." natatawang ani ko.

"Kaya nga tinawag niyo kaming bakla diba? Syempre paninindigan." protesta niya.

Sa totoo niyan hindi talaga sila BAKLA!Kung bakla man sila aba patay sila kala Tito. Tunay silang lalaki nag kikilos bakla lang dahil sa pangaasar naming tatlo nila Laxmi.

"Karaleigh." tawag niya sa'kin.

Nasa loob na pala siya. Tumingin ulit ako sa building kung nasaan 'yong nagmamanman. "Let's go." sabi ko at pumasok na sa office.

"Good morning po." bati ko.

"Good morning, take a sit." sabi ng Dean.

Lumapit ako kay Fort. "Fort, alis na ako ha." bulong ko. Tinignan niya ko. "Kailan ko kasing habulin 'yong nasa building." paliwanag ko pa.

"Sige." sabi niya.

Ngumiti ako at humarap sa Dean. "Dean, excuse me po," sabi ko at humarap naman siya sa'kin. "Aalis na po ako, sinamahan ko lang naman po siya." asik ko.

𝐌𝐲𝐬𝐭𝐞𝐫𝐢𝐨𝐮𝐬 𝐓𝐫𝐚𝐧𝐬𝐟𝐞𝐫𝐞𝐞 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon