MT 10

4.8K 115 1
                                    

Jannick's POV

Dire-diretso lang ang paglalakad ko habang ang mga kamay ko ay nakalagay sa mag kabilang bulsa ko.

Saan ba pupunta 'yon?

"Asan si Karaleigh?" bungad sa'kin ni Dexie ng maka upo ako.

Liningon ko sila Clifton mga nasa gilid lang. "Nagpaiwan sa hallway kanina." sagot ko.

"Tss. Pinuntahan na siguro siya." rinig kong bulong ng nasa taas. Si Laxmi.

"Sino?" biglang tanong ni Kraven.

"Wala ka na doon." mataray na sagot ni Dexie.

"Hoy, panget na nerd! Ikaw ba kinakausap?!" bara naman ni Clifton kay Dexie.

"Duh?! Hindi rin naman siya sasagot 'no." sabat pa ni Dexie.

Pamilyar sa'kin ang boses ni Dexie, pero saan?

May narinig akong malakas na palakpak. "Okay class, balik na sa classroom." saad ni Ma'am.

Tumayo ang dalawang nerds. "Lika na babalik rin naman 'yon eh." rinig kong sabi ni Laxmi.

"Hayy..." buntong hininga ni Dexie.

"Hoy! Sabay kami sa inyo!" sigaw ni Clifton.

Lumingon si Dexie. "At bakit?!" sigaw niya sa malayo.

"Sabay kami." sabat ni Clifton.

"Bahala kayo!" sigaw ulit ni Dexie.

Tumayo sila Kraven. "Let's go." naka ngiting sagot ni Clifton.

Lumingon muna ako sa paligid. What the— Sino yang kasama niya? "Hoy tara na!" sigaw ni Clifton.

Tumingin na ako sa kanila, sa mga kasamahan ni Karaleigh. Diretso naman silang naglalakad.











"Okay, the last group. Aze, Blade, Kian for the boys," sabat ni Ma'am ng makapasok kami sa room para daw i-annouce ang grupo sa Physical Education. "And for the girls, Collin, Ley, and Smith." sabat pa ni Ma'am.

Kami... kami ang magkakagrupo?

"Sino 'yong mga Aze?" tanong sa likuran namin.

"Di ko alam, wala pa naman akong kabisado na apelyido na kaklase natin eh."

"Hoy! Kami 'yon mga nerds!" sigaw naman ni Clifton.

"Eh kasama natin sila. Lang'ya Laxmi back out tayo."

"Tumigil nga kayo, ang iingay niyo." rinig kong suway ni Karaleigh.

Andito na rin pala siya nakasabay namin sa pagpasok sa classroom.

"Ma'am ano pong gagawin?" tanong pa ng mga kaklase ko.

"Okay. Each team shall be comprised of six members, at 'yon 'yong grupo niyo ngayon. Each member will be given a task. In a designated area, accomplish the activity and submit in a written output." paliwanag ni Ma'am,"The team that has the highest score will be awarded an extra playing time." saad pa ni Ma'am. "I'll give you twenty minutes para mapag usapan 'yan, at kailangan bukas meron na." sabat ni Ma'am.

"Hoy, tumalikod na kayo dito." rinig kong sabat na naman ni Dexie.

Inikot ko na ang upuan ko at ngayon katabi ko si Karaleigh. "Bilis." sabat ni Laxmi.

"Ito na nga eh." maktol nila Kraven.

"Attention class!" sigaw ni Ma'am kaya lumingon kami. "May ibibigay ako sa inyong papel at ayon ang designated area ng bawat isa." sabat ni Ma'am at naglakad na.

𝐌𝐲𝐬𝐭𝐞𝐫𝐢𝐨𝐮𝐬 𝐓𝐫𝐚𝐧𝐬𝐟𝐞𝐫𝐞𝐞 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon