MT 46

1.6K 32 0
                                    

Jannick's POV

Sumulyap ako sa mga dinaraanan namin.

Maraming mga puno. Punong sumasayaw sa kumpas ng mga hangin, mga ibong nagliliparan habang humuhuni.

Damn!

Buntong hininga lang ang ginawa ko at tumingin ulit sa mga kasamahan ko.

Mga bagsak, tulog!

Kita ko si Kraven na nasa dulo at naka sandal sa bintana habang si Laxmi ay naka sandal sa mga braso ni Kraven. Si Dexie naman ay diretsong tulog lang, pero shit! Si Clifton! Si Clifton ang nakasandal sa balikat ni Dexie, what the fuck!

Mga love b—

Napatingin ako kay Karaleigh dahil sa gumegewang na siya.

Nakakangala—

Hindi na ako kumibo pa ng mapasandal siya sa mga braso ko. May mga kuryent—

Damn! Tulog na tulog.

Inayos ko ang ulo niya at tinanggal ang... "Mmm..." ungol niya habang inaalis ang headphone. "Hmmm." asik na naman niya.

Nagdahan dahan ako sa paggalaw. "Leigh," asik ko.

Naka hinga ako ng maluwag dahil na ialis ko iyon! Linagay ko iyon sa paper bag na dala niya.

Psh.

Napalingon ako sa loob ng bus. Lahat ng kaklase ko tulog. Ako na lang ata ang gising. Tinignan ko ang wrist watch ko. 9:28 AM.

"Hmmm." inayos ko ang ulo niya sa balikat ko.

Ang himbing ng tulog.

Tinanggal ko ang salamin niya, nakita ko na naman siya dati ng ganito. Nakakadalawang beses na nga eh.

Sinubukan kong abutin muli ang headphone niyang nailagay ko sa paper bag, gamit ang paa ko. At naabot ko naman 'yon.

Sinuot ko ang headphone niya pero, wala! Walang tugtog.

Ibig sabihin, nakikinig lang siya.

Napangisi ako.

Matalino.

Linagay ko na lang ulit ang headphone sa paper bag at pumikit.

Bakit napaka komportable ko kapag katabi kita?

Ngumiti na lang ako at tuluyan ng  pumikit.












Napanganga ako dahil sa kahihiyan!

"Yieeee!"

"Jannick ha!"

"Grabe ang sweet!"

Pumikit na lang ako at umayo—

"Aray!" namulat ko ang mata ko dahil sa gulat!

Shoot! Katabi ko si—

"Ang sama mo talaga sa'kin 'no?!" napatingin ako sa nanlilisik niyang mata.

"Nakoooo!"

"Ayiieeee!"

"Ang sweeeettt!"

"Quite class," suway ni Ma'am na naka tingin lang sa salamin. "Magsibabaan na kayo at nandito na tayo." saad ni Ma'am.

Hindi ko na pinansin pa ang mga bulungan at nag antay na lang na makaalis sila.

Lumingon ako sa paligid. Maganda, at maaliswalas. Maraming mga puno.

𝐌𝐲𝐬𝐭𝐞𝐫𝐢𝐨𝐮𝐬 𝐓𝐫𝐚𝐧𝐬𝐟𝐞𝐫𝐞𝐞 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon