Chapter 2

378 9 0
                                    

Sasha's POV






Naglalakad ako ngayon papasok ayokong mag bike eh nakakatamad kaya mas prepare ko na lang ang mag lakad papunta sa school tutal malapit lang din naman.











Bago pa ako makapasok sa classroom may humarang naman sa harap ko at si Joshua naman at ang mga kaibigan nya, "Good morning nerd! " Sabay wink pa psh as if namang kiligin ako jan? Wala namang nakakakilig.












Imbes na pansinin ko sya naglakad na lang ako ng dire-diretso na para bang walang narinig saka ko pa nilakasan ang tugtog sa headset ko. "WAG KANG BASTOS!" Sigaw naman ni Joshua kaya tumigil naman ako at nilagay sa leeg ko yung headset ko.





















"Ano bang problema mo ha?" Iritang tanong ko














"Pag kinakausap ka dapat matuto kang gumalang ganyan ka ba sa magulang o nakakatandang kapatid mo?" Tanong nya naman saka pa ngumiti.












Sa lagay na yan nakuha pa nyang ngumiti? Wag na wag nyang madadamay ang mga magulang ko at ang kuya ko at hindi nya kilala kung sino talaga ako!











"Wag na wag mong madadamay ang magulang ko dito!" Inis kong sabi










"Sa susunod kasi na kakausapin kita wag kang bastos! Naiintindihan mo?" Tanong nya










"Oo, tabi nga" Saka ko sya tinulak at umalis na doon nakakainis kasi yun eh! Naiinis ako kasi bakit kailangan nya pang idamay ang pamilya ko! Naiinis ako kasi akala mo kung sinong umasta.










Akala mo naman pogi pero hindi naman. Aaminin ko may itsura nga sya pero ang ugali? 👎👎 ang sama nakakainis lang. Ang yabang eh.





Joshua's POV










Unbelievable! Ang tapang nya ah? Ang Ineexpect ko ay iiyak sya hindi pala pero parang nasaktan ko ata sya? Bakit naman ako magso-sorry dun? Eh hindi nga uso saakin ang salitang 'sorry' paki ko naman dun?








"First time ah" Sabi naman ni Tyrone na nakaupo sa tabi ko nasa may court kami ngayon gusto kong mag cutting eh sa first subject lang naman nakakatamad kasi umagang umaga math agad.









"Oo nga first time na may pumatol sayo, insan" Sabi naman ni Warrence ito parang bakla talaga ang hilig makisabat  pag di kinakausap.












"Naka hanap ka na din ng katapat mo,Josh" Sabi naman ni Dean










"Manahimik nga kayo jan kung ayaw nyong makatikim" Pagbabanta ko naman












"Chill lang. Mukhang nasaktan mo ata si Sasha ah?" Sabi naman ni Tyrone













"Oo nga mag sorry ka kaya dun?" Sabi naman ni Dean









"Mukhang nasaktan mo ata yung feelings nya." Sabi naman ni Tyrone.














"Alam mo Insan, wala namang mawawala sayo kung magsosorry ka dun." Sabi naman ni Warrence. Ako? Makokonsyensya pa dun? Psh. Never hindi talaga ako magsosorry doon.












When Mr. Bully meets Ms. Nerd Where stories live. Discover now