Chapter 35

121 4 1
                                    

Sasha's POV









"Congrats kuya Caleb finally naka graduate ka na..." Saka ko niyakap si kuya Caleb Magna cum laude yan 'nuh tas ang dami nya ring achievements.











"Thanks lil sis.." Sabi naman ni kuya Caleb.











"Congrats nak.." Sabi naman nila mommy't daddy.










"Thank you po, Ma, picture-an nyo naman po kami ni Cheska." Sabi ni kuya Caleb saka tinawag si Ate Cheska.






"Hello po.." Nahihiyang sabi ni Ate Cheska.












"Hello din congrats din sayo hija." Sabi ni mommy saka nag pinicture-an sila ni Kuya Caleb ayieeee bagay na bagay sila wag na kayong magtaka kung bakit gustong-gusto ko si Ate Cheska for kuya Caleb kasi mukha silang couple eh pero kung mangyayari mab yun okay na okay yun saakin.










"Thank you po Tita, mauna na po ako baka hinahanap na po ako eh.." Sabi ni Ate Cheska saka umalis na.











"Bagay kayo anak.."Sabi naman ni mommy kay kuya Caleb.











"Naku Mi, kung alam nyo lang.." Sagot ko tiningnan naman ako ni kuya Caleb nang 'sabihin-mo-lang-patay-ka-saakin' na look.













"Ano yun baby?" Tanong ni Mommy











"Ah wala yun mommy tara na.." Sabi naman ni kuya at pumunta naman kami sa parking lot saka sumakay syempre saan pa nga ba? Sa isang mamahaling restaurant para mag celebrate nang pagtatapos ni kuya Caleb.









Nasa kalagitnaan na kami nang pagkain nang mag salita ako, "Mommy, daddy, pwede po ba kami mag outing kasama po yung bestfriend ko tas yung mga kaibigan ni Joshua?" Tanong ko










"Ilang araw ba kayo doon? Alam mo naman na siguro baby kung kelan ang alis natin?" Sabi ni daddy.










"3 days lang naman po kami kasi alam ko pong pagka-kinabukasan ang alis po natin papuntang America." Sagot ko may bahay din naman kasi kami doon sa America.












"Okay sige.." Sabi naman nila mommy't daddy alam kong hindi naman nila ako matitiis eh.






♡♥♡♥♡♥♡

When Mr. Bully meets Ms. Nerd Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon