Chapter 37

107 2 0
                                    

Bohol part 2…

Sasha's POV







Pangalawang araw na namin dito sa bohol at bukas naman ay last day na namin syempre ngayong araw na'to wala kaming ibang gagawin kundi ang maglibot-libot dito sa Bohol ngayon naman ay OTW na kami sa Chocolate hills si Joshua naman yung katabi ko at yun tulog.








Tumigil naman kami sa daan sa may zig zag road ang sabi nang tour guide namin picture picture daw kaya ginising ko naman si Joshua sa unang  picture naman yung katabi naman namin ay yung mga boys so bale parang partner partner sya naka akbay naman saakin si Joshua habang  ako naman ay naka peace sign sila Warrence at Wendy naka heart shape naman sa may ulo si Dean naman sinusunggayan nya naman si Gwen habang si Gwen naman sinusunggayan nya naman si Dean. Si May at Zion naka thumbs up naman tas sila Trisha at Tyrone kagaya din kela Wendy at Warrence.  2nd picture naman ay kami namang limang girls sunod yung boys.











Pagkatapos naman nun dalawahan na pang huli naman kami ni Joshua na nagpakuha nang picture. Pagkatapos nun ay bumalik na kami sa loob nang Van at papunta na kami sa Chocolate hills. Tiningnan ko namam yung picture namin ginawa ko naman yung wallpaper sa cellphone ko. Kung wala lang talaga akong fiancé bibigyan ko talaga sya nang chance.









Mga ilang oras lang ay nakarating na kami sa may chocolate hills seryoso nakakapagod palang akyatin yun pero worth it naman buti na lang naka sunblock ako wala kasi akong dalang payong eh tas ang init init pa.










"Sis! Picture-an ko kayo ni Joshua pagkatapos picture-an nyo naman kami ni Zion?" Nagka tinginan naman kami ni Joshua.







"Sige sige.." Sabi ko naman inabot ko naman kay May yung Cellphone ko habang yung kay Joshua na kay Zion nag picture naman kami unang picture hawak ni Joshua yung hips ko pangalawa naman naka akbay sya saakin habang naka kiss sa pisngi ko at pang last naman naka peace sign naman kaming dalawa.










"Ang cute nyo.. Kami naman ang kuhaan nyo nang picture ah?" Sabi naman ni May pinicture-an din namin sila pagkatapos naming mag picture picture doon bumalik na ulit kami sa van next destination naman ay sa mga tarsier syempre ganun din picture ulit pagkatapos naman doon sa may hanging bridge naman nagpicture picture naman kaming lahat buti na lang may selfie stick si May kaya kita kaming lahat sa picture.








"Tingnan kaya natin kung anong meron sa dulo." Sabi naman ni Tyrone good idea curious din naman kasi ako eh.







"Kayo na lang basta kaming apat babalik na lang kami sa van.." Sabi ni Trisha na mukhang natatakot pa.













"Wag kang matakot just hold my hand okay?" Tanong ni Tyrone kay Trish pero tumango lang si Trisha. Yung mga kasama namin ang sweet sa isa't isa eh tas sila Gwen at Dean okay sila ngayong araw na 'to hindi nag aaway eh tas naka hawak lang si Gwen sa braso ni Dean habang si Dean naka hawak sa bewang ni Gwen. Tapos kaming dalawa dito na single? Pasantabi na lang saaming dalawa ni Joshua.













"Tara?" Tanong ni Joshua habang nilalahad ang kamay nya at naka ngiti pa saakin.















When Mr. Bully meets Ms. Nerd Where stories live. Discover now