Chapter 24

154 5 0
                                    

Joshua's POV




Pagkatapos ko namang mag stay sa clinic ay babalik na dapat ako sa classroom ng tawagin naman ako ng assistant principal.









"Tawag ka ng daddy mo sa office nya ngayon din,wag kang mag alala excuse ka ngayon sa klase mo." Sabi naman ng assistant principal at umalis din agad bigla naman akong kimabahan pupunta ba ako o hindi?












Wala naman na akong nagawa kaya dumiretso na lang ako sa office kahit na labag sa kalooban ko ay sumunod pa rin ako. "Ano bang kailangan mo?"Tanong ko pagkapasok na pagkapasok ko pa lang ng office














"Nabalitaan ko ang nangyari kanina, sa susunod kasi na magagalit ka dapat ay kontrolin mo muna hindi yung basta basta ka na lang susugod." Here we go again yan yung ayaw ko eh.










"Eh sya yung nanguna eh ano ang gusto mong gawin ko? Hayaan na lang? Nakakapuno na sya eh." Pabalang kong sagot.









"Joshua, di ko alam kung ano ng gagawin ko sayo eh. Kasi kung di ka magbabago mapipilitan akong ipatapon ka sa Hong Kong at doon ka na mag aral. Grown up! You're already a college student not a high school nor elementary student be mature!" Galit na sabi nya saakin










"Kung di lang kasi kayo nag divorce ni mommy edi sana hindi ako magiging ganito at kung hindi ka sana nagkaroon ng mistress dati hindi aalis si mommy edi sana hindi ako ganito na basagulero, bulakbol, matigas ang ulo at bully at sana buo pa ang pamilya natin!" Hindi sa sinusumbatan ko yung sarili kong ama kasi hanggang ngayon sariwa pa rin saakin ang lahat ng nangyari eh hanggang ngayon nasasaktan pa rin ako.









"SEAN JOSHUA!" Pasigaw na saway nya saakin.












"Totoo naman diba? Ano may kailangan ka pa ba? Aalis na ako." Pabalang ko ulit na sagot saka lumabas ng office nya wala akong balak na makinig sa klase ngayon kaya imbes na papunta sa classroom ang diretso ko ay papuntang tambayan naman namin hindi sa may canteen ah? May isa pa kaming tambayan eh sa likod ng school kung saan kami-kami lang apat ang nakakaalam. May billiard dito tas may bowling din malawak kasi 'tong tamabayan namin eh tas pag diretso naman ng billiaran ay may CR doon tas pag kaliwa naman tas diretso ka lang ng konti at may isa ka pang pinto na makikita doon kundi yun na yung bowling hall namin kung kakanan ka naman may isa din doong pinto kung saan parang sa salas lang ng bahay nyo may sofa, may TV, may book shelf at may ref at may kwarto rin kung gusto mong magpahinga. Tas sa second floor naman ay dance room na lang doon kasi doon kami nagpra-practice eh tuwing may sasalihan kaming contest.










When Mr. Bully meets Ms. Nerd Where stories live. Discover now