Special Chapter 3

153 5 0
                                    

Advance Happy Valentine's, readers :) ! Namiss nyo ba sila Sasha? Ayan, may special chapter 3 na rin ^_^ sana ma-enjoy nyo. Yan na yung sagot sa katarungan nyo hahaha... Binabasa ko rin 'to eh pag may free time ako at walang gawain sa school at napapa 'Wow! Ako ba nagsulat nito?' kasi di ko maimagine na naisulat ko 'to dahil sa boredom ko 😂

___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___

Nandito naman kami ngayon sa may Nuvali habang naglalakd at tulak-tulak naman namin sa may stroller sila baby Ayelle at Baby Zello na himbing na himbing sa pagkakatulog.

"Tanda mo pa ba nung sinira ko yung bike mo?" Tanong nya naman habang naggagala pa rin kami kasama yung kambal






"Nakakainis ka ni hindi mo na nga pinalitan eh"Sagot ko sakanya akala nya nakalimutan ko na? Hindi pa kaya. Grumaduate na nga kami, nagtrabaho, kinasal at nagkapamilya pero di nya pa rin pinapalitan yung bike ko na nasira nya dati.


"Alam mo kung bakit?" Tanong nya saka ngumiti saakin.











"Osige, explain bakit di mo na pinalitan?" Tanong ko sakanya.











"Di kasi bagay sayo yung mag bike tapos naka skirt ka nung time na yun. Alam mo bang inis na inis ako sa mga nakatingin sayo noon? Aray!" Kinurot ko naman sya sa may ilong dahil sa kapilyuhan nya.











"Seloso. Alam mo namang sayo lang ako babagsak eh" Sagot ko naman sakanya







"I know. Kaya nga tayo biniyayaan ng twins eh. Baka nga kasi gusto mong sundan pa natin ng isa pa at ng isa p---- aray! Aray! Ansakit nun ah?" Saka nya hinimas himas yung tenga nya na piningot ko napaka pervert talaga -_-.







"Sige ba, basta ikaw ang magbubuntis. Nung pinapahanap nga kita ng fresh na mango nun dahil sa cravings ko puro ka naman reklamo. Try mo kaya? Tapos ikaw ang umire?" Inis na sagot ko







"Sweetheart naman"









"Ewan sayo" Sagot ko naman at bigla namang umiyak si baby Zello baka naman manghihingi lang ng milk? Tumigil muna kami at naupo muna sa may bench saka kinuha ko naman si baby Zello at tinimplahan ng milk saka pinadede.










"Pero seryoso nga, kaya di ko na pinalitan kasi di bagay sayo ang mag bike. Nagwoworried lang ako sayo dahil paano kung makitaan ka? Edi kasalanan mo pa yun." So dapat na ba akong magpasalamat sakanya?







"Yieeee ang sweet talaga ng asawa ko" Saka ko pininch yung cheek nya pero binitawan ko rin naman.









"Halikan kita jan eh" Saka sya ngumiti mg nakakaloko pero sinamaan ko naman sya.










"Akala ko ba busy ka sa office ngayon?" Tanong ko sakanya




"Nakausap ko na si dad na sya na yung bahala at pinayagan nya naman akong maka-bonding kayo ng twins. Namimiss ko kasi kayo eh pag nasa office lang ako."





"Grabe. Araw-gabi kitang kasama mamimiss mo pa kami nyan? Tsaka di ka ba nagsasawa?" Tanong ko sakanya











"Ba't naman ako magsasawa eh ang ganda ganda ng asawa ko?" Nambola pa eh. Nagulat naman ako sa sunod nyang ginawa, nakawan daw ba ako ng halik? How rude?











When Mr. Bully meets Ms. Nerd Where stories live. Discover now