Special Chapter

182 4 0
                                    

"SWEEETIIIIEEEE!!!" Sigaw ko naman mula sa itaas habang naka higa ano ba yan ang bagal naman nun! Manganganak na ako!









"Bakit sweetheart may problema ba?" Aligagang tanong nya












"Manganganak na ako!!" Sabi ko naman sakanya at nakita ko naman syang biglang nag panic at hindi alam ang uunahin. Seriously?










"DALHIN MO NA AKO SA HOSPITAL! SWEETIE DI KO NA KAYA!!" Sabi ko naman nagulat naman ako nang bigla nya akong binuhat at sinakay kaagad sa kotse










"Sweetheart, Are you okay?" Tanong nya in a worried tone habang nagmamaneho at di ko na lang sya sinagot.







Pagkarating naman namin sa hospital inasikaso agad ako dahil bawal si Joshua sa loob nang labor room kaya hanggang sa labas lang sya.

▨▧▨▧▨▧▨▧▨

Joshua's POV






Sana kayanin ni Sasha na iluwal yung kambal na anak namin. Kanina pa ako pabalik-balik eh. Kung pwede lang sana na pasukin yung loob nang labor room ginawa ko na eh.






"Kalma lang Josh, napag daanan ko na rin yan" Sabi naman ni Caleb na kapatid ni Sasha. Ganito pala pag magiging tatay ka na?









"Kung pwede lang kasing pasukin sya sa loob eh" Sabi ko naman habang pabalik-balik pa rin.







"Kumalma ka nga Joshua nakakahilo ka eh!" Sabi naman ni Cheska yung asawa ni Caleb







Maya-maya lang ay lumabas na rin yung doctor kaya umayos na ako nang tayo at lumapit. "Doc, kamusta po yung asawa ko?" Tanong ko naman.








"Congratulations Mr. Lim, it's a healthy twins one baby girl and one baby boy" Sabi naman nang doctor saakin kaya bigla naman akong napa ngiti hindi ko maintindihan yung nararamdaman ko eh masaya na naiiyak dahil tears of joy dahil sa wakas nailuwal na ni Sasha yung twins namin.










Grabe kaya yan nung naglilihi pa lang kung anu-ano ang hinihingi gusto nang spicy noodles, palabok, spaghetti at chucky madalas hatinggabi na pag hindi binigay ako ang napagbabalinggan nang galit nya. Pero pagkatapos nun sa loob nang 10 months worth it naman.









Kung hindi ko pa malalaman na buntis sya dahil  nahimatay sya sa trabaho nya di ko na alam ang gagawin ko. Pero thank god kasi naipanganak na ni Sasha nang maayos yung kambal namin.











Nailipat na si Sasha sa room 234 at pumunta naman na kami doon at nakita ko yung asawa ko na mahimbing na natutulog haban may swero sa right hand nya napagod siguro kakaire kawawa naman yung wife ko. Umupo naman ako sa tabi nya at hinawakan yung kamay nya saka hinalikan di ko namalayan na umiiyak na pala ako.









🐼💎🐼💎🐼

Sasha's POV


Nakakapagod pa lang sumigaw nang sumigaw nagising naman ako saka unti-unti ko namang iminulat yung mata ko then I saw my handsome husband sitting beside me while holding my hand and crying.



When Mr. Bully meets Ms. Nerd Where stories live. Discover now