Chapter 2:Bestfriend Alien

3.4K 143 4
                                    

Tarah's P.O.V.

"Hays"

Ang nasabi ko na lang sabay bagsak sa kama.Ano kayang mangyayari bukas.Sana kausapin parin ako ng ganun ni crush.Gusto ko nga araw araw.Kaso para lang yung pagsasabi ng maganda saken bihira lang sabihin bwahahaha at si mama lang at si yaya ang nagsasabi nun.

Syempre sino pa ba ang magdadamayan hahahaha.

"Ayt yung panyo pala ni crush"

Kinuha sa bag ko.Ibabalik ko kaya ito?Pero souvenir ko na din ito galing sa kanya.Tss ibabalik ko na nga lang,pero kukulitin ko muna para may moment naman kami bukas bwahahaha.

"tok-tok-tok"rinig kong may kumatok sa pinto.

"Pasok..Ahh ma bakit po?"

"Hm baby dinalhan kita ng cookies at milk"

Ganyan talaga si mama sweet.Pero ginagawa parin niya akong bata tss naman oh.

"Ma!16 na po ako at hindi na ako bata para dalhan niyo pa ng cookies at gatas"

Pero kinain ko parin sayang kase.Nag inarte lang naman ako ng slight lang hehehe.Yan pa bang pagkain ang tanggihan ko.

"Baby kamusta ang school"

"Okay lang ma"nakangiti kong sabi.

"Aha!Bakit ang lapad ng ngiti mo? Nakausap mo ba si Alexis ng matagal? Anong mga sinabi niya sayo? Nakakakilig ba?Hindi ka ba niya insnob?"

"Ma naman,niratrat niyo na ako ng mga tanong niyo eh.Pwede isa isa lang"

Ganyan kami kaclose ni mama.Para lang kaming magkapatid niyan hihi.Tapos kilala niya lahat ng naging crush ko na.Pero si Alexis lang naman ang naging crush ko diba.

"Sige anak ubusin mo na yan at matulog kana"

"Ito namang si mama sa kakatanong mo saken hindi mo na alam ang nangyayari,kanina pa po ubos oh"

Sabay pakita sa tray na wala ng laman.

"Nako anak.Matulog kana at bukas mo na ikwento saken lahat ng nangyari ah"

"Sige ma.Goodnight.I love you"

"Goodnight baby.I love you too"

Pinatay na ni mama ang ilaw at sinarado ang pinto.

"Sana maganda ang araw ko bukas"

"Kringggggggg"

Pinatay ko ang alarm clock ko at bumangon.Haha may alarm clock na ako.Nakakasawa na din yung pagsigaw ni mama sa umaga hahaha.Nag ayos na ako ng sarili ko at biglang napatingin ako sa salamin.

"May igaganda pa kaya ako kapag pumayat na ako at natutong mag ayos ng sarili ko gaya ng sinasabi ni Kuya at nina mama? Ouch!!"

Nagising ako sa kabaliwan ko sa pagbato sakin ng unan ni kuya.Kahit kailan talaga.

"Kung ano na naman pinagsasasabi mo sa salamin.Tara na!Aalis na tayo"

Ano daw?Isasabay niya ba ako.Wala ata siyang lakad ngayon.

"Ha?isasabay mo ako kuya?"

"Oo nga!Bakit ayaw mo?Okay lang naman saken since pampabigat ka lang din naman ng kotse"

Ang bad niya talaga saken.Tumalikod na sya at umalis.

"Wait lang kuya"

Sa paghabol ko sa kanya nadapa pa ako.

"Uy lumindol ata Blue?"

Sabi ng antipatikong pandak na si Chase.

"Ano ba yan Tarah hindi ka kase natingin sa nilalakaran mo"sabi ni kuya na nakakunot ang noo.

Stalker ni Mr. Snobber(On-going)Where stories live. Discover now