Chase's P.O.V
"My Prince wake up na! Late na tayo sa date natin" Naramdaman kong gumagalaw yung kama ko kaya mabilis akong napabangon."Gooood morning prinsipe ko" Siya lang pala.Ang laki kasi niya hahaha!
"Good morning" Nawala yung malaking smile niya kanina pa."Whyyy?"
"Nothing.Wala ka namang nakalimutan 'di ba?" Inis niyang tanong.
"Jusko! Ikaw naman syempre wala,
my princess" Yan! Nanumbalik ulit yung ngiti niya. Yun lang naman pala."I love you prinsipe ko" Sweet ng girlfriend ko no?
"I love you more than anything else prinsesa ko." Pero mas sweet ako.
Lumigo na ako at nagbihis agad para makaalis na kami.Late na kasi akong nagising dahil sa ganda ng panaginip ko kagabi.
"Chase, nakakaawa si Tarah no? Hindi ko naman siya gaano kaclose.Sana kasi nung una pa lang hindi na nagpakita ng motibo si Alexis sa kaniya." Kung maibabalik lang sana ang dati na gusto ko pa siya kaso may Ricia na ako eh!
"Ang manhid kasi ni Tarah. Hindi niya nakikita yung ibang taong gustong mahalin siya" Nagtataka naman si Ricia sa sinabi ko.
"I like Henz for her.Nakikita ko kasing masaya siya kapag kasama ang bestdriend niya eh." Yun na nga eh!
"Tara na my princess!" Hinawakan ko ang kamay niya at hinila na siya palabas.
"Wait! Daan tayo kina Tarah ha" Daig pa ni Ricia si Trixie samantalang bestfriend siya.
"Anong gagawin natin don?" Tumaas ang dalawa niyang kilay at tumawa siya.
"Bastaaa!"
Medyo matagal din ang byahe namin dahil sa traffic.Buti na lang naabutan pa namin si Tarah sa kanila.
"Good morning po tita, si Tarah po?" Tumayo si Blue sa kinauupuan niya at biglang sumigaw.
"Hoy Chase anong gagawin mo sa kapatid ko ha?! Alam ba 'to ng girlfriend mo?!" Ang OA talaga ni Blue buti na lang hindi nahawaan si Tarah.
"Hoy Blue umayos ka dyan! Talsikan pa ang kanin sa bibig mo! Hindi ka na nahiya kay Audrey" Tumatawa lang si Audrey habang nakatingin sa kanilang dalawa ni tita.
"Kasama ko yung girlfriend ko, gusto lang niyang makita si Tarah." Sakto naman na bumaba na si Tarah na matamlay pa rin.
"Tarah sama ka sa'min" Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.Date namin 'to ah! ie-extra pa niya si Tarah sa moment namin.
"Hindi kayo na lang,marami kasi akong ginagawa eh!" Parang wala naman.
"Kapatid! Ano namang ginagawa mo? Ang magmukmok sa kwarto mo buong maghapon?" Sabat ni Blue
YOU ARE READING
Stalker ni Mr. Snobber(On-going)
Teen FictionInspired by "Bangtan Sonyeondan (bts)" A story of a chubby girl na nagkagusto sa isang campus heartthrob since elementary.Magugustuhan kaya din siya pabalik ng crush niya or ang mahal pala nito ay yung babaeng mahalaga sa ating bida?Eh pano naman si...