CHAPTER 21: Paghaharap

562 21 6
                                    

Tarah's P.O.V.


"Tarah,pwede ba tayong magkita ngayon?" Hindi ko inaasahan na magpaparamdam na ulit sa akin si Trixie.Kahit papano naman,namimiss ko rin siya.


"Okay,saan ba?"

"Text ko na lang sa'yo yung address.Ingat ka ha,bye" Okay,ano kayang gagawin namin.Ang tagal ko nang hindi siya nakakabonding.Puro kasi si Henz! Nakakasawa na rin ang kaalienan niya eh!



"Baby, gising ka na?" Kaagad niyang isinara ang pinto ng kwarto at umupo sa kama katabi ko.



Haha,nakakatuwa naman dahil totoo talaga na kahit sa isip ko lang nababanggit ang pangalan niya palaging siyang nalabas.Love na love ko 'tong BESTFRIEND ko!



"Tulog ako,hindi pa ako gising alien! Hindi pa!"



"Ikaw ha! Pasalamat ka mahal kita! Kung hindi,makakatulog ka ulit" Ay ang sama niya oh!



Hm,minsan humihiling ako na sana siya na lang si Alexis,siya na lang sana yung gusto ko.




Aalis na siya para ikuha ako ng breakfast pero pinigilan ko siya.Kailan ba ako huling nagpasalamat sa kaniya? Bilang Bestfriend? Bilang baby alien ko?



"Baby ko, thank you" Tumawa siya at pinisil ang ilong ko.Ang sakit a!



"For what?"


"Para sa lahat,sa lahat lahat.Alam mo bang hindi ko kayang mawala ka! Kaya 'wag kang mang iiwan ha" Ang drama talaga niya oh! Tingnan mo umiiyak na siya.



Umupo ulit siya sa tabi ko at hinawakan ang dalawa ko kamay.Ewan ko lang pero kinakabahan ako sa sasabihin niya.



"Baby wag kang magagalit a"   Bakit naman ako magagalit,teka what's wrong ba?   "Matagal ko na 'tong tinago" Ang ano?  "Natatandaan mo ba nung sumunod ako sa'yo sa States?"  



"Dahil miss mo na ako?"



"No, kasi akala ko mawawala na ako eh.
May...m-may sakit ako Tarah, at kaya kita sinundan dahil akala ko yun yung huling araw na maalala kita o makikilala kita.Kase sabihin ko mang hindi kita makakalimutan dahil ikaw ang bestfriend ko pero sakit 'to eh!
Tarah sorry,sorry kung ngayon ko lang nasabi" Hindi ko magawang magalit sa kaniya dahil mas nangingibabaw yung sakit eh,ang sakit maramdaman na hindi ko man lang alam na ganiyan ang lagay niya,ang lagay ng baby ko.




"So-sorry,h-hindi ko alam! Sorry!!"




Niyakap ko siya ng sobrang higpit,na hindi na nga siya makahinga pero wala 'yan sa'kin.Kasi triple yung sakit na nararamdaman ko ngayon para sa kaniya.





Hindi ko na namalayang may nagbukas ng pinto ng kwarto ni Henz dahil sa sobrang hapdi at pula na ng mga mata ko.




"Ooh! Tarah 'wag masyado mahigpit ang kapit,pasalamat ka wala si Alex.Oops! Ano nga bang pakialam niya sa'yo?" Anong sinasabi niya?Akala ko ba okay naman kami.













Kaagad na inalis ni Henz ang pagkakayakap ko sa kaniya at hinarap si Trixie.










"Trixie! Pa'no ka nakapasok" May tinatago ba sila sa'kin?Sa tinginan nila ni alien,parang nagtatalo na sila.




"Dito na tayo mag usap tutal nandito naman siya at ang tagal kasi sabihin ni Alex eh! Kaya ako na lang." Ano ba yun? Ano bang hindi ko alam?





Stalker ni Mr. Snobber(On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon