Chapter 18: .....

1.2K 47 4
                                    

Tarah's P.O.V.

"Tarah oh magtubig ka muna" Inabot ni Rei sa akin ang bote ng tubig at nilagok ko ng nilagok hanggang mapawi ang uhaw ko.

3 days na rin kaming nag iikot ikot at kumakalap ng impormasyon tungkol sa mama ko,pero hanggang ngayon wala parin hanggang...

"Miss miss!!" Sigaw ng batang lalaking hingal na hingal sa pagtakbo."Kayo po si Ms. martinez hindi ba?"

"Oo ako nga!" Buong sigla kong sabi na may halong pag-asa na may dala siyang magandang balita.

"Alam ko po kung nasaan ang puntod niya! Halika po sumunod po kayo sa akin" Naluluha na akong sumunod sa kaniya.

"Tarah okay ka lang?" tanong ni Rei na alalang alala

"Hm hm" tumango ako bilang sagot.

Habang binabaybay namin ang daan papunta sa kung saan.Nakakaramdam ako ng kaba,ng lungkot ng tuwa.Halo halo na para bang pakiramdam ko any time sasabog ako.

Nagkwekwento ang bata na narinig niya daw kaming nagtatanong tanong tapos naalala niya na may nakita siya sa sementeryo na kapangalan daw ng mama ko.Buti na lang at Pilipino ang bata kung hindi,dugo ilong ang aabutin ko dito.

"Dito ko po nakita Miss Ganda,sige po maiwan ko na kayo" 

"Salamat bata"  Sabi ni Rei habang kumakaway sa papaalis ng bata.Hindi na ako makapagpasalamat dahil unti unti nang tumutulo ang luha ko at unti unti na ring gumagaralgal ang boses ko.

"Hi po mama,sorry po ah! Dahil ngayon lang kita nadalaw.Pangako palagi ko na kayong dadalawin dito kahit pa nasa Pilipinas ako.Alam niyo po bang ang saya ko dahil sa wakas nakita ko na kayo kahit puntod lang atleast nakausap ko kayo.Thank you po ah dahil sa inyo nandito ako at kahit wala kayo maraming tao ang nagmamahal sa akin.I love you po mama."  

Iyak ako ng iyak habang nakayakap kay Rei.Tumutulo na nga ata ang sipon ko sa jacket niya eh.

"Okay lang yan Tarah,sige iiyak mo lang"  sabi niya habang patuloy na hinahaplos ang likod ko.

"Thank you Rei ha dahil kahit wala si Henz nandiyan ka para masandalan ko ngayon"

"Tarah!!" Napatalon naman ako sa biglang sumigaw sa may gawing kaliwa namin.

Nang lumingon ako...

"Alex?"  Hindi ako makapaniwala dahil nandito siya "Alex!" Tuwang tuwa kong sigaw habang tumatakbo papalapit sa kaniya.

Yayakapin ko na sana siya pero hinawakan niya ako maglabilang balikat ng mahigpit na parang galit siya.

"Sino siya?!" 

"Si Rei,ah Rei si Alex"   Pero hindi siya nakinig,sinigawan pa niya ako.

"Sino siya!"

"Si Rei nga di ba? Bitawan mo nga ako nasasaktan na'ko! Ano ba Alex!"  Hindi naman siya ganito dati ah

"Pare sinabi na niyang nasasaktan siya hindi ba? Hindi ka ba nakikinig?"   Umasta siya na parang walang naririnig.

Tumingin siya ng may galit kay Rei,binitawan niya ako.Pero sinuntok niya ng sobrang lakas si Rei na naging sanhi ng pagsuka nito ng dugo.

"Alex ano ba! Tama na! Nakainom ka lang! Tama na!"

Nakakasakit ng ulo.Gusto kong maglaho muna para matahimik na ang buhay ko.

"So kinakampihan mo na siya?!"  Sumisigaw siya pero pagewang gewang na siya.

"Hindi! Hindi!"

"Magsama kayo!"

"Hindiiiiii!"

Nagising ako ng pugto ang mata at pawisang pawisan.Akala ko totoo na ang lahat.

"Ate Tarah okay ka lang ba?"  tanong ng nakababatang kapatid ni Rei na biglang pumasom sa kwarto ko.

"Wala si kuya at ate kaya ako lang ang kasama mo dito.Pasensya ka na po at hindi kita agad narinig"  Nakayuko lang siya habang nagsasalita.

'Ding dong'

"Wait lang po ate ha"  Tumayo siya at naglakad papuntang labas.

"Sino naman kaya yun?"  Bulong ko

"Ate may bisita ka po?"   Wag mong sabihing si Alex yan! Ooh Lord wag naman baka magkatotoo ang panaginip ko eh

"Tarahhhh!"   Bakit siya nandito?

"Ate Audrey? What are you doing here? Are you with kuya?"   Sunod sunod kong tanong

"Hindi ba katext kita kagabi? And no hindi ko kasama ang kuya mo"

Katext niya ba ako? Akala ko kasama na yun sa panaginip ko kanina.

"Ah oo nga po pala.Bakit hindi mo kasama si kuya ate?"  yumuko siya at nagpout

"Nothing"   Ngumiti siya ng bahagya pero alam kong may dahilan siya na ayaw niya lang ipaalam.

"Bakit nga ate?"   Hindi ko alam kung bakit gusto kong mangulit ngayon.

"Wala be! May dala akong ice cream sa baba,Tara?!"

Okay pagkain naman yan eh!




Chase's P.O.V

D' Detectives hahaha

Pa'no kase 'tong si my princess.Gusto palagi sundan sina Alex.May gusto ba siya kay Alex?


"My prince! Wag ka ngang malikot! Kapag ako nahulog dito! Ibabalik kita sa punso mo!"  Nakakarindi ang boses niya




"Kapag nahulog ka,hindi kita sasaluhin"


"Bakit?!  Okay lang sayong masaktan ako my prince ehe ehe!"
Pag iinarte niya.Ang pabebe talaga nito!


"Syempre,paano kita masasalo kung ako nahulog na rin sayo"


"K"  Lagi na lang niya akong pinapahiya sa sarili ko.Mas natatawa pa nga ata siya kay Henz kesa sa akin eh

"Alex!Hoy!"  Yan na! Naghahabol na naman si Trixie kay Alex! Ahas talaga nito! Kapag nalaman lang ito ni Tarah,dadaganan siya nun.




"Ano ba Trixie! Umalis ka nga! Nakakadiri ka eh!"  Pero nakabitin parin si Trixie sa braso ni Alex






"My prince alam mo kailangan na talaga 'tong malaman ni Tarah!"







"Naisip ko,hindi naman sila ni Alex eh! Anong karapatan pa niya"  Nagalit ata siya at pinaghahampas ako kaya nahulog siya sa pagkakatuntong sa balikat ko.


"Oh bakit mo ako sinalo?" 







"Gusto mo ilaglag kita?"





"Subukan mo! Alam mo ang sama mo na my prince! Syempre masasaktan si Tarah,eh ang alam niya may babalikan pa siya!"






Grabe na talaga ang nangyayari sa amin.Sana lang huwag dumating sa puntong magkakaaway away kami

Short UD

Please vote and comment!Thank you!

Sorry kung natagalan,marami lang kaming ginagawa sa school





























Stalker ni Mr. Snobber(On-going)Where stories live. Discover now